Iminungkahi ang taunang programa upang tulungan ang mga dayuhang mamamayan.
Ancona – Aug. 11, 2010 – “Pamunuan ang migrasyon nang may ganap na tungkulin ay nangangahulugang suportahan ang integrasyon ng mga dayuhang legal na naninirahan sa ating teritoryo, magkaroon ng positibong relasyon sa mga mamamayang italyano, proteksyunan ang pagkakaiba-iba ng kultura, siguraduhin ang pantay na dignidad sa mga serbisyo at tutulan ang diskriminasyon”.
Ito ang sinabi ni Councillor for Social Policies of the Regione Marche, Luca Marconi nang kaniyang imungkahi ang taunang programa tungkol sa mga dayuhan, na pinag-aaralan na sa kasalukuyan ng mga mambabatas at Council of Local Authorities.
Ang mga pangunahing panukala ay ang integrasyon, kultura at paaralan, tulong para sa mga pamilyang mahirap ang buhay, suporta sa mga gawain ng mga Service Centers at information desk, sa mga shelter o bahay tuluyan at mga proyekto ng mga migrants’ associations.
Ayon pa kay Marconi, sa pagtiyak ng kaayusan sa usaping migrasyon, kung saan ang presensya ng mga taong mula pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay tuloy-tuloy. Naging multicultural ang mga rehiyon sa bansa at ito’y magandang pagkakataon upang ang mga institusyon at mga serbisyo nito ay gawing mas epektibo upang ang bawat tao at miyembro ng kanilang pamilya ay magkaroon ng pagkakataon na makilahok sa lipunan. (Liza Bueno Magsino)