Totoo bang bukod sa aking kumpletong mga requirements upang maka kuha ng Permesso di Soggiorno CE ay dapat pa akong kumuha ng exam ng Italian language?
Mula 9 Disyembre 2010 ay uumpisahan ang aplikasyon ng Dekreto ng Hunyo 4, 2010, na nagtatag ng mga bagong alituntunin para sa issuance ng permit to stay CE o ng dating carta di soggiorno.
Sa katunayan, inilatag ang mga pamamaraan o procedures para sa pagkuha ng Italian language exam, sa ilalim ng Artikulo 9 ng National Decree July 25 1998, n 286, ng Artikulo 1, talata 22, letter i) ng Act No 94/2009.
Mula sa 9 Disyembre 2010, ang mga dayuhan na mag-a aply ng carta di soggiorno ay dapat sumailalim sa pagsusulit na ito ng Italian language. Ayon sa batas dapat magkaroon ng antas ng kaalaman ng wikang Italyano na mauunawaan ang mga pangungusap na madalas na ginagamit, ito ay tumutukoy sa ‘A2’ na karaniwang antas na inaprobahan ng Konseho ng Europa para sa kaalaman ng iba’t ibang wika.
Kaya bago mag aply ng permit to stay CE o carta di soggiorno ay kailangan na humingi ng schedule upang maisagawa sa pagsusulit na ito sa Italian language.
Hindi lahat ay kinakailangan na magsagawa ng pagsusulit na ito, sa katunayan, ay hindi kasama ang mga bata under 14 yrs old, (mga legittimate o illegittime man), ang mga may limitasyon sa kakayahan ng pag-aaral ng isang language tulad ng ‘edad’, ang mga may sakit o may kapansanan, sa kasong ito ay nararapat ang isang sertipikasyon mula sa isang public health center.
Exempted din ang mga nag-aaral sa Italya at nagtapos ng mataas na paaralan, sa unibersidad o nagma master o nagdo doctorate.
Kahit ang mga migrante na nagtatrabaho at nag attend ng kursong pang gabi ng Italian language sa mga CTP o Permanent Territorial center, at may antas na di bababà sa tinatawag na level A . Kahit ang mga lecturers, mga professors, interpreters at journalist ay accredited ayon sa Artikulo 1 letter c 27 cm q.
Ang paghingi ng schedule para sa nasabing exam ay dapat na isumite sa Prefecture, on line, base sa home address.
Ang Prefecture ay magbibigay ng schedule sa aplikante. Tinatantsa ang pagitan ng 60 araw mula booking sa araw ng exam. Isang abiso ang ipapadala kung saan nakatala ang oras at lugar kung saan isasagawa ang Italian exam.
Ang pagsubok ay maaaring gawin sa pamamagitan ng on line exam o written exam, sa anumang kaso, ang mga nilalaman ng mga test at ang oras na ibinigay ay patas at pati araw ng pagsusuri ng mga ito. Sa araw ng test ang migrante ay kikilalanin sa pamamagitan ng dalang abiso.
Ipa aalam ng Prefecture sa migrante kung positibo o negatibo man ang resulta nito at ilalagay ang mga resulta bilang impormasyon sa sistema ng Dipartimento per le libera civili e l’immigrazione at Ministero dell’Interno, upang gawing basihan din ng mga Questura sa pagi issue ng mga carta di soggiorno.
Kung sakaling bigo o negatibo ang resulta nito, ang aplikante ay muling hihingi ng panibagong schedule sa Prefecture upang ulitin ang nasabing test.
Sa pagkakataong hindi dapat magsagawa ng anumang pagsubok ang aplikante, ito ay ibe-verify sa pamamagitan authenticated copy ng diploma o mga sertipikasyong magpapatunay ng hindi pagsasailalim sa test.