in

Family Reunification? Paano kung ang kapamilya ay napa deport?

Ang aking asawa ay napa deport isang taon bago kami kinasal. Maaari ba syang makabalik ng Italya through petition?

Ayon sa kasalukuyang batas, maaaring makasama ng dayuhang legal na naninirahan sa Italya ang pamilya, pati ang asawa na pinatalsik sa Italya sa dahilang walang visa o permit to stay.

Noon, ang mga nag sumite ng aplikasyon para sa family reunification para sa isang miyembro ng pamilya na nabigyan ng isang order ng deportation, ay nakakatanggap mula sa Immigration Office o Sportello Unico na sumisiyasat ng aplikasyon ng isang sukdulang pagtanggi.
Mula 2007, sa ilalim ng isang European Directive na binigyang bisa din ng Italya, para sa mas higit na proteksyon sa pagsasama sama ng pamilya, maging ang mga dayuhang pinatalsik mula Italya, ay maaaring pumasok muli ng bansa bago pa man matapos ang sampung taong parusa ng hindi dapat na pagpasok dito.

Ang mga dayuhan na legal na nakatira sa Italya ay maaaring mag-aplay para sa family reunification kasama ang mga sumusunod na dokumentasyon:

– Ang pagkakaroon ng permit to stay at may bisa na hindi bababa sa isang taon at renewable (halimbawa: permit to work, to study o petition);

– Sapat na kita upang sustentuhan ang pamilya na proporsyon sa bilang ng miyembro ng pamilya na nais papuntahin ng Italya;

– Angkop na tirahan na may certificate mula sa munisipyo

Sinuman ang may mga dokumentasyong ito ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa family reunification sa mga Immigration Office, kahit na ang kapamilyang nais na papuntahin ng Italya, tulad ng isang asawa o magulang, ay napa deport ng minsan. Ang isang dayuhan na kinukuha sa pamamagitan ng family reunification ay hindi lamang pinapayagan na pumasok sa Italya kung ito ay mapanganib at magiging sanhi ng takot at kawalang seguridad ng ibang mamamayan, at gagawing batayan ang krimeng ginawa sa Italya.

Ang pamamaraan
Kapag naisumite na ang aplikasyon on line sa website ng Ministry of Interior www.interno.it, ang aplikasyon ay ililipat sa Police Department o Questura kung saan ay susuriin ang anumang expulsions. Kung, sa kabila ng pagpapatalsik, ay hindi naman nagpapakita ng isang tunay na panganib sa pampublikong kaayusan at seguridad, ang Police Station ay nagbibigay ng isang positibo ngunit pansamantalang opinyon.

Matapos matanggap ng Sportello Unico ang opinyon ng mga pulis (Questura), ipapadala ang isang sulat sa aplikante, kung saan nasasaad ang pagbisita o pagpunta sa Italian Embassy ng kapamilyang pine petisyon upang ipakita ang kahit anumang dokumentasyong magpapatunay ng relasyon sa aplikante. Ang asawa, halimbawa,ay ang marriage certificate.

Ang kapamilya, samakatuwid, ay dapat na dalhin ang sulat mula Immigration Office at mga sertipiko na patunay ng relasyon sa Italian Embassy at pagkatapos ay gagawing legal certificates ng Konsulado ang mga dokumentasyon. Magpapadala din sa Police department at sa Immigration Office ng OK upang magpatuloy sa clearance.

Ang Police Department ay ikakansela ang pagpapatalsik ng kapamilya at ang Immigration Office ay ipapaalam naman sa aplikante na walang hadlang sa aplikasyon ng family reunification. Pagkatapos, nararapat sundin ang proseso hanggang sa paglabas ng permit (visa) para sa family reunification,

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Care givers, ginawan ng regional registration book

DIRECT HIRING 2011