in

DIRECT HIRING 2011

Mga FORMS ng direct hiring: on line sa website ng Ministry of Interior mula Enero 17

Roma, 5 Enero 2011 – Ang Ministry of Labour, kasama ang Ministry of Interior, ay nag isyu noong 3 Enero 2011 ng Circular No. 8 na nagbibigay ng mga tagubilin tungkol sa pagsusumite ng mga aplikasyon ng mga manggagawang dayuhang residente sa ibang bansa.

Paalala:ang Direct hiring ay mga quota rin para sa conversion ng ilang uri ng residence permit (halimbawa, pag-aaral, pagsasanay, atbp.) para sa trabaho o para sa self employment.

Ang paliwanag ay nahahati sa limang chapters na nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa mga “quotas”, kung paano magsumite ng aplikasyon, pagsusumite ng aplikasyon sa mga ‘Sportello Unico’, ang elaborasyon ng mga alituntunin  at kuneksyon ng mga asosasyon at organisasyong pumirma ng ‘protocol agreement’

Ating suriin ang mga detalye at mga tagubilin na nilalaman ng Circular.

KAILAN DAPAT MAG APPLY
quota ng mga bansang may kasunduan sa Italya
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng manggagawa mula sa mga bansa na mayroong riserbadong bilang ay maaaring magsumite ng aplikasyon simula mula 8:00, 31 Enero 2011.
Narito ang listahan ng mga bansa at kabuuang bilang:
4500 Albania, 1000 Algeria, 2400 Bangladesh, 8000 Egypt, 4000 Philippines, 2000 Ghana, 4500 Morocco, 5200 Moldova, 1500 Nigeria, 1000 Pakistan, 2000 Senegal, 80 Somalia, 3500 Sri Lanka, 4000 Tunisia, 1800 India, 1800 Peru, 1800 Ukraine, 1000 Niger, 1000 Gambia, 1000 iba pang bansa na tinatapos ang kasunduan sa Italya.

Ang mga aplikasyon ay para sa subordinate jobs at domestic jobs.
Babala: Sa sandaling maubos na ang quota na nakalaan sa bawat bansa, hindi na maaaring tanggapin pa ang mga aplikasyon upang gamitin ang quota na nakalaan para sa ibang bansa.

quota ng mga bansang walang kasunduan sa Italya
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng domestic workers mula sa mga bansa na walang kasunduan sa Italya ay maaaring magsumite ng aplikasyon mula 8:00, simula Pebrero 2, 2011.
Tandaan na ang bilang na nakalaan ay 30,000 para sa mga bansang hindi kasama sa EC (European Community) at nakalaan lamang para sa mga domestic job tulad ng colf (household service workers), caregivers o baby sitters.

Quota para sa conversion ng permit to stay at entries para sa ‘special job’ (special courses or internship sa sariling bansa at para sa mga bansang may lahing Italyano)
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng manggagawa para sa ibang mga sektor, mula sa mga bansa na walang quota, ay maaaring magsumite ng aplikasyon mula 8:00, simula Pebrero 3, 2011.
Tumutukoy ito sa mga manggagawang nagsanay sa ibang bansa (art. 23 D. Lgs. 286/98) kung saan ay ibinigay ang isang quota ng 4,000 para sa mga manggagawa, mga employees at mga self-employed at para sa mga nagbuhat sa lahing Italyano (magulang, grandparents o ninuno) na naninirahan sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil, na kasama sa mga listahan ng mga manggagawa sa bawat Italian consulate na may quota na 500.
Mula 8:00 ng Pebrero 3, 2011 ang pagsusumite ng mga aplikasyon para sa conversion para sa isang working permit.

Ang dekreto ay nagbibigay ng posibilidad para i-convert ang 11,500 permit to stay para sa trabaho tulad ng sumusunod:
Maaaring i-convert para sa subordinate job:
3,000 permit to stay ng pag-aaral;
3,000 permit to stay ng internship / pag-aaral;
4,000 permit to stay ng seasonal job;
1,000 residence permit EC long-term (carta di soggiorno) na inisyu sa ibang bansa ng EC.

Maaaring i-convert sa Self-Employment:
500 residence permit EC long-term na inisyu mula sa ibang bansa ng EC.

Babala: Ang mga aplikasyon ay maaari lamang ipadala mula sa itinakdang araw. Hindi tatanggapin ang aplikasyon na isinumite bago sa araw na iyon at tatanggapin ang mga aplikasyon hanggang Hunyo 30, 2011.

MGA FORMS NA DAPAT GAMITIN
Aplikasyon para sa trabaho
Para sa mga aplikasyon ng subordinate job: form B
Para sa mga aplikasyon ng domestic job: form A
Para sa mga aplikasyon ng mga manggagawa nagsanay sa ibang bansa o Italyano ang lahing pinanggalingan: form BPS

Mga conversion
Para sa mga conversion ng permit to stay ng pag-aaral/internship para sa permit to stay sa trabaho: form VA. Hindi maaaring i-convert ang permit to stay ng pag aaral sa self employment.

Paalala: Ang mga mag-aaral na di-EU nationals na may permit to stay upang mag-aral na kumuha ng degree sa Italya, maikli man o specialized, ay exempted sa quota at hindi dapat mag-apply. Para mai-convert ang permit to stay ng pag aaral sa subordinate job ay nararapat na gumamit ng ibang mga form na makukuha sa website ng Ministry of Interior.

Para sa mga conversion ng permit to stay ng seasonal job sa permit to stay para sa subordinate job: form VB. Ang mga nagmamay ari ng permit to stay ng seasonal job ay maaari lamang mag apply ng conversion mula sa ikalawang araw ng pananatili sa Italya para sa seasonal job.
Para naman sa mga nag mamay ari ng mga residence permit EC long-term na inisyu sa ibang bansa ng EC ay maaaring gumamit:
Form LS para sa trabaho
Form LS1 para sa domestic trabaho
Form LS2 para sa self employed

PROCEDURES OF SUBMISSION
Ang pamamaraan para sa pagsusumite ng mga aplikasyon ay katulad noong nakaraang mga taon. Ang tanging pagkakaiba ay ang pagpapagaan ng teknolohiya.
Hindi mo na kailangan na i-download ang software ng Ministry, maaaring ikumpila ang application ng direkta sa website ng Ministry of Interior na magbibigay agad ng kumpirmasyon (hindi na ipapadala ang confirmation sa e-mail) .
Simula 8.00 ng umaga sa Enero 17 ay makukuha na sa website ng Ministry of Interior, ang application forms at ipagkakaloob ang tulong elektroniko ng ‘help desk’.
Ini rerekomenda na gamitin ang tamang form, dahil kung may pagkakamali ay hindi na maaaring baguhin ang mga application at ito ay  maaaring ibasura.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Reunification? Paano kung ang kapamilya ay napa deport?

NURSERY SCHOOL ENROLLMENT, DEADLINE SA FEB 12