in

Pista ng Black Nazarene sa Quiapo sa Linggo na!

Ang debosyon ay nakatatak sa dugong Katoliko at nakakahatak ng milyun-milyong mga deboto!

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas. Ang debosyon sa Nuestro Padre Jesús Nazareno ay nakatatak sa dugong Katoliko na nakakahatak ng milyun-milyong mga deboto na patuloy na lumalaganap sa buong bansa.

Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Innocent X noong 1960, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jesús Nazareno at Pius VII noong 19th century, sa pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensya sa mga nagdadasal sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakit, galos, sugat at kung minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila ‘di inaalintana ng mga deboto.

Mahigit 200 taon nang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno at ang estatwa nito ay inilalagay sa isang karwahe tuwing Enero, gamit ang makapal na lubid at ipinaparada sa mga kalye ng Quiapo ng mga debotong lalaki na nakasuot ng kulay maroon. Ang mga Katoliko na nagmula sa buong ka-Maynilaan ay sama-samang dumadayo sa Quiapo upang makakuha ng pagkakataong mahawakan ang imahe o di kaya ay magkamit ng isang milagro. Naghahagis din sila ng tuwalya sa mga lalaking nakabantay sa estatwa ang hinihiling na ipunas ang kanilang tuwalya sa estatwa sa pag-asang madala nila ang milagro sa kanilang pag-uwi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA DIRECT HIRE 2011

PINOY PHOTOGRAPHERS CLUB IN ROME, Join na kayo!!!