Ayon sa batas, patas na karapatan sa mga pinsalang dulot ng aksidente sa daan para sa mga dayuhan at sa kanilang pamilya
Pantay na proteksyon para sa mga miyembro ng pamilya ng mga biktima ng aksidente sa daan, Italians man o imigrante.
Ang miyembro ng pamilya ng mga dayuhang nasa Italya na naging biktima ng aksidente sa kalsada sa bansa ay dapat na bayaran kahit na nakatira pa ito sa sariling bansa.
Sa paghahayag kahapon ng Korte Suprema ayon sa isang apila ng isang imigranteng ina mula Albania na noong Disyembre 1996, ay nasagasaan ng kotse malapit sa Caserta at tinanggihan ang kompensasyon ng pinsala sa kanyang anak.
Para sa Korte Suprema, ‘ang karapatan sa kalusugan at pisikal na integridad, ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas’ at dapat ay tumbasan ito ng naaayong kundisyon.
Nilinaw din ng Korte Suprema na ang mga ka pamilya ay may karapatan, kahit na nasa ibang bansa sa oras ng aksidente, at may karapatan sa pinsala hindi lamang ukol sa salapi kundi pati sa pinsalang moral.
Ang naging desisyong ito ay nilampasan din ang pilit na pagbibigay bisa ng Batas 40 ng 1998, na kung saan ay maaaring hingin ang danyos para sa ka-pamilya ng mga biktima ng aksidente sa kalsada kung residente sa Italya lamang.
Sa wakas ang huling pangungusap ng Hukuman, kung ang aksidente ay nangyari dahil sa kasalanan isang unidentified driver, ang mga ka pamilya ng biktima ay may parehong karapatan ng mga Italians na lumapit sa ‘guaranteed fund for road victims’ o Fondo di garanzia per le vittime di strada para sa anumang kabayaran.