in

Direct Hire: Subaybayan on line ang inyong mga aplikasyon!

Sa web site ng Ministry of Interior, sa pamamagitan ng email at password na ginamit sa pagpapadala on line ng aplikasyon.

Sa mga nagpadala ng aplikayson on line para sa mga manggagawang dayuhan o para sa conversion ng mga permit to stay, maaaring subaybayan at malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng inyong aplikasyon sa pamamagitan ng website ng Ministry.

Puntahan lamang ang http://domanda.nullaostalavoro.interno.it/, i-insert ang e mail at password na ginamit sa pagpapadala ng aplikasyon.

Sa screen ay makikita ang ‘codice identificativo’, na makikita na rin sa resibo, ito ay ang sitwasyong kasalukuyan ng aplikasyon.

Ito ay para lamang sa mga nagpadala ng aplikasyon mula sa kanilang sariling computer at may personal email at password. Sa mga lumapit sa mga patronato at association ay nararapat na lumapit muli sa kanila upang malaman ang sitwasyon ng aplikasyon.

Importante: Hindi lahat ng aplikasyon ay maaaring makita. Sa karamihan, kahit pa tama ang email at password ay posibleng matapuan “nessun dato trovato” (walang datas na matagpuan). Ito ay karaniwan sa mga aplikasyong pinadala noong Jan 31. Hindi dapat mag-alala, ang sistema ay kasalukuyang ina-update at sa mga darating na araw ay maaari ng makita ang lahat ng aplikasyon.

Status ng aplikasyon

DescriPTION

Richiesta DPL

Ang aplikasyon ay nasa DPL upang suriin ang mga requirements sa kontrata at hahatiin ang mga aplikasyon ayon sa pangangailangan ng mga Probinsya.

Ang Sportello Unico ay naghihintay sa resulta ng pagsusuri.

Richiesta Questura

Ang aplikasyon ay nasa Questura upang alamin kung ang dayuhan ay may kaukulang sintensya o kaso bilang hadlang upang makapasok ng ligal sa bansa.

Ang Sportello Unico ay naghihintay ng resulta mula sa Questura.

Stampa Richiesta CPI

Isang komunikasyon ang ipapadala sa Centro per l’impiego (training center)

Attesa CPI

Kung sakali, isang komunikasyon mula sa Centro per l’impiego

Lista lavoratori

Ang Centro per l’impiego ay magpapadala ng komunikasyon sa employer ng availability ng trabaho para sa hiring. Sa kakulangan ng komunikasyon sa loob ng 20 araw, ang Sportello Unico ay magpapatuloy sa preliminary procedures ng aplikasyon

Decisione datore

Paghihintay sa desisyon ng employer ayon sa komunikasyon ng Centro per l’Impiego.

Notifica di Rigetto Questura (EX art. 10)

Ang Questura ay maghahayag ng negatibong sagot. Ang employer ay makakatanggap ng isang opisyal na komunikasyon ng pagtanggi at posibilidad na idagdag ang kakulangang dokumentasyong kailangan.

In attesa di chiusura dopo Rigetto Questura

Ang Sportello Unico per l’Immigrazione ay naghihintay ng isang komunikasyon mula sa employer. Sa kasong walang sagot, ang Sportello unico ay magpapatuloy sa paggawa ng dokumentasyon ng ‘rejection’

Notifica di Rigetto DPL (ex art. 10)

Ang Direzione Provinciale del Lavoro ay naghayag ng risultang negatibo. Ang employer ay makakatanggap ng opisyal na komunikasyon ng pagtanggi at posibilidad na idagdag ang mga kakulangang dokumentasyon.

In attesa di chiusura dopo Rigetto DPL

Hinihintay ang kaukulang dokumentasyon mula sa employer. Sa walang kasagutan, ang Sportello unico ay magpapatuloy sa paggawa ng dokumentasyon ng ‘rejection’

Provvedimento di Rigetto Questura

Ang Sportello Unico ay mag-i-issue ng pagtanggi pagkatapos ng isang negatibong sagot mula sa Questura pagkatapos ng pagsusuri, ayon sa art. 10 bis legge n. 241/90

Provvedimento di Rigetto DPL

Ang Sportello Unico ay magi-issue ng pagtanggi pagkatapos ng isang negatibong sagot mula sa Questura pagkatapos ng pagsusuri, ayon sa art. 10 bis legge n. 241/90

Integrazione dati DPL – inoltro al richiedente

Ang Direzione Provinciale del Lavoro ay mangangailangang tumanggap ng mga karagdagang impormasyon mula sa aplikante.

Integrazione dati DPL – caricamento della risposta.

Ang Sportello Unico ay susuriin at ipapasok sa sistema ang mga karagdagang dokumentasyon na susuriin din ng Direzione Provinciale del Lavoro.

Attesa Quote

Naghihintay ng availability ng quota mula sa Direzione Provinciale del Lavoro

Richiesta Codice Fiscale Provvisorio

Pagbibigay ng temporary codice fiscale mula sa Agenzia delle Entrate.

Pronta per stampa Nulla Osta SUI

Nulla Osta rilasciato e trasmesso al MAE

Ang Nulla Osta telematico ay ipinadala ng Ministero degli Affari Esteri at naghihintay ng isang komunikasyon para sa convocation ng employer.

Nulla Osta Rilasciato e Consegnabile

Ang Sportello Unico ay magpapadala ng convocation letter sa employer para kunin ang ‘nulla osta’ at pirmahan ang ‘contartto di soggiorno’

Nulla Osta Consegnabile

Ang Nulla Osta ay ibibigay sa employer.

Nulla Osta inviato all’Autorità Consolare

Hinihintay na ang dayuhan ay makakuha ng ‘visa’ mula sa Italian Embassy sa sariling bansa.

Registrazione Chiusura MAE

Ang Italian Embassy ay nag deny ng visa. Ang Sportello Unico ay ilalagay sa archives ang aplikasyon

Dati discrepanti MAE – Inoltro al datore di lavoro

Ang Italian Embassy ay nakakita ng error sa personal datas ng dayuhan at humihingi ng correction nito at karagdagang contro ng dokumento.

Dati discrepanti MAE – Rettifica dati

Ang Italian Embassy ay itatama ang personal data para sa visa at ipadadalang muli sa Sportello Unico upang hinging muli ang pagsusuri ng Questura.

Richiesta Questura dopo rettifica dati MAE

Paghihintay sa resulta ng pagsusuri ng Questura.

Ricevimento del lavoratore straniero.

Cambiare in “Visto rilasciato”.

Ang dayuhan ay may 1 taon mula sa re leasing ng visa upang pumasok ng bansa at mag report sa Sportello Unico sa loob ng 8 araw upang pirmahan ang ‘contratto di soggiorno’ at upang mag apply ng unang ‘permit to stay’.

Conversione Codice Fiscale

Pagbibigay ng final codice fiscale sa pagpunta sa Sportello Unico.

Richiesta Rilascio PDS

Ang Sportello Unico ay ibibigay ang form para sa first issuance ng permit to stay.

Attesa occupazione

Pagpi-print ng isang declaration ng status ‘attesa occupazione’ ng dayuhan.

Invio richiesta PDS a Poste

Pagpapadala ng ‘kit’ sa post office ng ‘permit to stay’ on line. Ang post office na magpapadala nito sa Questura.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘FUTURO E LIBERTA’ Italians din ang mga anak ng dayuhang dito sa ating bansa ipinanganak.

REGULARISASYON SA MGA NAKATANGGAP NG ORDER OF EXPULSION.