Radicals: Maroni, tamang aplikasyon ng batas. Isang solusyon sa panlilinlang ng huling regularization
Ayon sa Batas ng Immigration (o Testo Unico sull’Immigrazione) ay binibigyan ng permit to stay ang sinumang nasa sitwasyon ng ‘karahasan o malubhang pagsasamantala’, ngunit hindi ipinapatupad ng mga Questura (Punong-himpilan ng Pulisya) upang protektahan diumano ang mga manggagawang hindi regular. Ang Kalihim ng Radicali Italiani, Mario Staderini at Gaoussou Ouattara, isang miyembro ng National Executive Committee, ay inakusahan sa isang open letter ang Minister of Interior, Roberto Maroni.
“Ang Artikulo 18 ng Batas sa immigration – isulat nila ang radicals – ay nagbibigay karapatan para sa ng pansamantalang permit to stay para sa dahilang humanitarian (umanitario) at civil protection (protezione civile), o para sa mga dayuhan na nasa isang sitwasyon ng karahasan o malubhang pagsasamantala ” . Isang pamamaraan na maaaring gamitin hindi lamang sa prostitusyon, ngunit pati na rin – tulad ng paglilinaw sa isang circular ng Ministri of Interior noong Agosto 4, 2007 – sa lugar ng trabaho “
Ang katotohanan ay hanggang ngayon, ito ay halos hindi kailanman inaplika sa mga inabusong manggagawa, maliban na lamang kung sila ay biktima ng mga kriminal na organisasyon. Noong 2009, pinaalala ng mga radikal, 810 permit to stay lamang ang inisyu na may motibong humanitarian, at halos eksklusibo para sa mga kaganapan na may kaugnayan sa krimen ng prostitusyon, pang-aalipin at human trafficking.”
Para kay Staderini at Ouattara ito ay isang labag na application sa batas, at bukod sa paglilimita sa kapangyarihan ng Estado,ito ay mag iiwas sa libu libong pagkakalugmok at pananamantala sa problema ng pagiging clandestines. Ayon kay Maroni dapat na kumilos ang mga punong himpilan ng pulis at isaayos ang mga biktima ng pananamantala.
Ito ay isa ding paraan upang tugunan ang libu-libong mga imigrante na nalinlang sa huling regularization. Isang halimbawa, ayon sa ulat ng radikal, ay ang mga pangyayari sa Verona, kung saan ang Chief Prosecutor ay naghayag ng kanyang positibong opinyon sa pagbibigay residence permit (o permit to stay) na may motibong civil protection sa migranteng nagkaroon ng tapang na akusahan ang mga nanlinlang sa huling regularization.