in

Supplementary Medical Insurance Fund para sa household service workers

Tatanggap ng allowance ang maysakit na nasa ospital, nagpapagaling at nanganak. Naka-insured naman ang mga employers sakaling maaksidente ang kaniyang worker.

Roma – Binuksan noong ika-1 ng Hulyo ang Supplementary Medical Insurance Fund (Cassa di Assistenza sanitaria integrative). Ang mga colf (household service workers), badanti (caregiver) at baby sitter ay tatanggap ng karagdagang proteksyon sapagkat ang gobyerno ay pumayag na buksan na rin isang programang pakikinabangan ng mga ito sa oras na magkasakit, manganak o maaksidente.

Titiyakin ng Cas.sa.colf na ang mga manggagawa ay tatanggap ng daily allowance sakaling ito ay maospital, nagpapagaling at nanganak. Maibabalik rin ang pinagbayaran sa “ ticket” para sa ilang serbisyong pangkalusugan na isinagawa sa National Health Service (Servizio Sanitario Nazionale). Samantala ang mga employers naman ay nakaseguro sakaling ang kaniyang trabahador ay naaksidente at  may kasama pa “in itinere” kung tawagin sa wikang italyano na ang ibig sabihin ay nakaseguro ang worker mula sa pag-alis sa bahay papunta sa trabaho.  

Ang enrollment sa insurance ay authomatic, ang Cas.sa.colf ay kasama na sa ibinabayad ng employer sa trimester contribution sa Inps tulad ng nakasaad sa national collective agreement for domestic work (contratto collettivo nazionale del lavoro domestico). Ayon kay paliwanang ni Rosetta Raso – National secretary of Fisascat Cisl – isang Labor Union (Sindacato), ang salaping ito at makakatulong upang bigyan ng dagdag na proteksyon ang mga manggagawa at pamilya.

Mapupunta sa supplementary fund ang 0,03 euro bawat oras ng trabaho. Kung susuriin ito ay napakaliit subalit sa pagbabayad halimbawa ng allowance na 20 euro araw-araw sa panahon na maospital, idagdag ang pagkakasakit na binayaran ng employer, ang pamilya ay covered ng insurance hanggang 50,000 euro.

Ang “allowance at riembursement” – dagdag pa ni Raso – maaaring makakuha ng form kahit sa tulong ng mga patronati. Ang layunin ng Cas.sa.colf ay napakahalaga lalo na para sa mga kababaihang colf at badanti, mga taong karaniwang mahihina, ngunit mahina rin ang mga pamilya na nagsusustento sa lahat ng mga gastusin ng kanilang mahal sa buhay. (ABM)

Download

Il regolamento di Cas.sa.colf

Il fac-simile dei moduli per le domande

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pachetto Sicurezza – magpapahirap sa buhay ng mga dayuhan

Unemployment: aplikasyon ay on line na