in

Regularization: 40% na lamang ang naghihintay!

Appointment sa Sportello ay umaabot na sa 60%. Narito ang bagong update

3/05/2010, Roma – Ayon sa huling report ng Ministero dell’Interno, pitong buwan mula nang umpisahan ang pag-aaral sa application for regularization ay umabot na sa 60%.
Kung tunay na ang 60% ng mga employer ay tumanggap na ng lettera di convocazione, may 40% lamang sa kanila ang pumirma sa contratto di soggiorno. Ibig sabihin nito, 40% na colf, badanti at babysitter ang nabigyan ng pagkakataon na makakuha ng permesso di soggiorno.
Mababa umano ang bilang ng na-reject. Sa final list, marami pa rin ang inaasahang magsusumite ng mga kakulangang dokumento na dapat idagdag sa pratica. Ang mahalagang dokumento na kailangang isumite ay ang declaration of annual income ng mga employers. 
Kahit ang mga Sportello Unici na tumanggap ng malaking bilang ay umaasang matatapos agad ang pagtanggap ng mga kakulangang dokumento ng mga employers. Kasabay nito, binuksan naman ang pagtanggap ng application online for seasonal workers. Kakayanin kaya nila na tapusin at pabilisin ang patong-patong na trabaho at nakatambak na application form? Hindi kaya ito maging dahilang muli na magpapabagal sa issuance ng permesso di soggiorno?
Domande presentate    295.052
Esito Questura Positivo    223.548
Esito Questura Negativo    7.794
Richiesta Integrazione Dati Sportello    25.288
Convocazioni        178.366
Domande Rigettate    9.006
Domande Accolte    119.142
Pratiche Definite    128.148
(Dati aggiornati alle 9.00 del 26 aprile 2010 fonte: Ministero dell’Interno)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga employer tipid sa pagbabayad ng buwis kung regular ang colf at badante

Isang Kakaibang Handog sa Unang Anibersaryo ng FCTC