in

INTEGRASYON: ITALIA pang sampung bansa sa EU

Sa pangatlong edisyon ng research ng Mipex, ang Italia ay kabilang sa ‘top ten countries’ para sa pagpapabuti ng integrasyon.

Naitalà ang pagbaba ng bansang Italya sa pulitika ng migrasyon kung ihahambing ito noong 2007, ngunit ang mga resulta nito ay nananatiling mataas sa European average.

Ayon ito sa ikatlong ulat sa pulitika ng imigrasyon ng MIPEX na naglagay sa Italya sa ikasampung pwesto sa kabuuang 31 bansa ng Europa kasama ang Norway, Switzerland, Canada at ang USA.

Ang kabuuang resulta ay itinuturing na positibo ngunit dapat harapin diumano ng Italya ang partikular na pagpapabuti sa mga patakarang naglalayon ng partisipasyon sa pulitika, edukasyon, higit na suporta sa merkado ng trabaho at pagtatanggal ng diskriminasyon.

Partikular na hinihingi sa bansa ang mapabuti ang mga patakaran sa pagbibigay karapatan ng paglahok sa pulitika at mapadali ang proseso ng citizenship .

Sa katunayan, ang Italya ay ang pang 14 na bansa sa partisipasyon ng mga imigrante sa pulitika, pang 10 naman sa merkado ng trabaho, pang walo sa pagbibigay ng long term residence permit (o carta di soggiorno), pang 7 sa pagbibigay ng citizenship at pang 15 sa pakikipaglaban sa diskriminasyon.

Para sa family reunification ang Italya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos: 74 points, na nagpapakita na ang sinusundang patakaran ay ang pinaka mahusay. Hindi magandang risulta naman sa edukasyon ng mga imigrante dahil ang Italya ay bumagsak sa ikadalawampung bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DIRECT HIRE: 411,000 aplikasyon na!

Mga refugees mula Libya, dumating sa Roma