Fiscal federal system, direktang pagpapatakbo ng mga munisipyo sa mga buwis, kabilang ang bagong buwis para sa mga turista.
Ang pamahalaan ay pinagtibay sa wakas sa mga munisipyo ang fiscal federal system. Ito ay isang reporma ng direktang pagpapatakbo ng mga munisipyo sa mga buwis na pinagbabayaran ng kanilang mga mamamayan, ng walang aasahan mula sa sentral na pamahalaan sa reallocation ng pagpopondo sa mga ito.
Ang mga Munisipalidad ay syang tatanggap ng isang bagong uri ng buwis sa mga rentals at ikalawang tahanan, at maaaring bahagyang itaas ang mga buwis na babayaran ayon sa kita. Pagkatapos ay magkakaroon rin ang mga munisipyo ng mga buwis para sa mga tourista na bibisita sa mga lungsod ng sining, provincial capitals at ang tinatawag na “layuning buwis o tasse di scopo” nilikha upang pondohan ang imprastraktura tulad ng isang kalsada o isang istadyum.
Ang mga municipal federal system ay paiiralin sa iba’t ibang yugto sa pagitan ng taong ito at 2014. Ito ay upang bigyan ng higit na kapangyarihan ang mga lokal na awtoridad at munisipyo na may higit na yaman upang pamahalaan ng mahusay at upang bigyan ng mas maraming mga mapagkukunang pondo para sa mga residente.
Sa mga munisipalidad na may higit na pangangailangan, gayunpaman, ang mga mamamayan ay malamang na magbayad ng mas mataas na buwis o maaaring magtanggal ng mga serbisyo na hanggang sa kasalukuyan ay ibinibigay sa mga mamamayan salamat sa pondo ng gobyerno.