in

PERMIT TO STAY: Mas kaunting Xerox copies!

Hindi na kailangan ang kopya ng bawat pahina ng pasaporte para sa renewal ng permit to stay!

Sa kasalukuyan, sa loob ng sobre ng request of renewal na inilalahad sa mga post office ay kinakailangang isama din ang kopya ng buong pasaporte, kabilang ang mga blankong pahina. Isang walang saysay na pamamaraan, na ayon sa Ministry of Interior ay dapat ng ihinto. Mula ngayon, ang kopya na lamang ng mga pahinang may larawan at byograpikong impormasyon (pangalan, petsa ng kapanganakan, atbp) ang isasama sa loob ng sobre.

Ang bagong pamamaraan sa balitang ito ay ipinaabot na rin ng Ministry sa mga Post Office, at sa lahat ng mga sangay na tumatanggap ng mga aplikasyon para sa permit to stay. Sa submission, ang mga empleyado ay dapat pa rin i-verify na ang pasaporte ay nagtataglay ng entry visa at dapat gawin ang lahat ng iba pang mga pagsusuring nararapat ayon sa uri ng permit to stay.

Apat na taon na ring ipinadadala ang mga request of renewal ng permit to stay sa halos anim na libong mga post offices sa bansa. Sa nakaraan, ang renewal ay sa pamamagitan ng mga Immigration Police department (o Questura) na halos humigit lamang na iisang daang istasyon, na naging sanhi ng mas mahabang mga pila.

Sa kasalukuyan, ang bawat request of renewal ay nagkakahalaga ng halos 60,00 euros; kalahati ng halagang ito ay para sa Gobyerno at ang natitirang kalahati naman ay para sa post office. Ito ay habang hinihintay ang isang bagong uri ng tax o buwis para sa mga permit to stay na maaaring magkahalaga ng mula 80 hanggang 200 euros. Ito ay ganap ng isang batas at hinihintay na lamang ang isang ‘dekreto’ na magbibigay ng detalyadong pamamaraan. Na hanggang sa kasalukuyan ay pinapaboran ng lahat.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang mahihinang alon, naramdaman sa Eastern Samar.

LONGHI (Pisacane): Pagtibayin ang kultura ng integrasyon sa mga paaralan.