in

Ministry of Employment: Kakailanganin ang halos 2 milyong imigrante sa loob ng 10 taon.

Italia, dapat pamahalaan ang sistema

“Sa taong 2011-2015 ang average ng taunang pangangailangan sa mga imigrante ay tinatayang aabot ng100,000, habang sa taong 2016-2020 ay inaasahang aabot naman ng 260,000”.

Ito ay ayon sa mga ulat ng eksperto ng Ministry of Welfare ukol sa posibleng kakailanganing manpower ng mga banyagang manggagawa sa mga darating na taon. Ito ay binigyang diin din sa ulat ng “L’immigrazione per lavoro in Italia” noong nakaraang Pebrero.

Ayon pa sa ulat “Ang pangangailangan sa manpower ay naaayon din sa demand at labor supply: para sa ‘supply’, sa pagitan ng 2010 at 2020 ay inaasahang bababa ang populasyon ng may tamang edad upang magtrabaho (may trabaho at walang trabaho), ng 5,5% at 7,9% : mula 24,970,000 ng 2010 ay bababa sa bilang na 23,593,000 sa taong 2020. Para naman sa ‘demand’, ang mga nagta trabaho ay tataas sa loob ng sampung taon ng halos 0,2% at 0,9%, at sa pagsapit ng 2020, aabot ng 23,257 ang mga may trabaho at 24,902 ang mga walang trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

LONGHI (Pisacane): Pagtibayin ang kultura ng integrasyon sa mga paaralan.

PINOYS TROOP TO CHAMPIONS OF THE HEART CONCERT IN MILAN