Halos 80% ng mga imigrante sa Italya ang magdiriwang bukas, ayon ito sa Stranieriinitalia.it kasama ang iba pang siyam na website sa iba’t ibang wika.
Roma – Marso 16, 2011 – Maraming Italians ang nag sabing hindi nila nais na ipagdiwang ang ika-150 anibersaryo ng pagkakaisa ng kanilang bansa, ngunit ang karamihan ng mga imigrante ay tumugon sa isang tiyak na pagdiriwang ng nasabing okasyon: “Ang Marso 17 ay isang petsa na dapat ipagdiwang.”
Ito ay isang resulta ng ginawang online survey na higit sa tatlong libong mga mambabasa ang tumugon sa www.stranieriinitalia.it: “March 17, ipagdiriwang mo ba o hindi?”, 78% ang sumagot “oo”. Ang stranieri in Italia ay ang Immigration Portal , at may iba pang siyam sa iba’t ibang wika, mula sa publishing group ng Stranieri in Italia, para sa mga imigrante.
Para sa marami, ang Italya ay isang pangalawang tahanan. Ito ang dahilan ng kanilang sagot na ipinahayag sa stranieri in Italia.
Ang resulta ng survey ay nakumpirma sa pamamagitan ng ilang mga iniziative para sa pagdiriwang bukas. Sa Milan, halimbawa, ang mga Italyano imigrante ay magkasamang babasahin ang Konstitusyon, sa Roma ang isang delegasyon ng Romania ay magbubunyi sa monumento sa Garibaldi bilang pag-alaala sa kanilang kapwa na sumali sa ‘spedizione dei Mille’ at iba pang mga laban ng Risorgimento ng mga Italyano.
Ngunit ang pagtingin ba ng mga imigrante sa Italya ay sinuklian? Stranieriinitalia.it Isa muling katanungan, na higit sa sampung libong mga mambabasa ang tumugon: “Anong salita ang sa tingin mo ay maglalarawan sa Italya?”. Ang mga pangunahing kasagutan ay kanilang binanggit ang “permit to stay” at “racism”.
Na nangangahulugang “Ipagdiriwang namin ang bansang ito, kahit na kami ay naiipit sa kasalukuyang burukrasya at diskriminasyon”.