in

BAKASYON, bakasyon ……

Mga paalala sa mga naghihintay ng renewal at sa mga naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa isang bakasyong payapa.

altEaster Sunday at Easter Monday, at ilang karagdagang araw ng bakasyon , magandang pagkakataon upang magbakasyon sa sariling bansa o umikot ng Europa. Ngunit bago ihanda ang lahat sa paglalakbay na ito, mainam na silipin muna ang ‘permesso di soggiorno’ .

Isang payapang bakasyon para sa mga may permit to stay na balido pa. Maaaring lumabas ng Italya, magbakasyon sa sariling bansa at muling pumasok ng Italya. Mahalagang dala lamang ang orihinal na permit to stay.

Maaari ring magbakasyon  nang walang hihinging visa sa mga bansa ng Schengen tulad ng: Belgium, Pransya, Alemanya, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Espanya, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia , Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta at Switzerland. Kung pipili naman ng isang bansa hindi kabilang sa Schengen, dapat alamin ang mga batayan ng mga kasunduan ng sariling bansa.

Sa sinumang naghihintay ng renewal ng permit to stay; sa paglabas sa Italya at sa pagpasok  sa sariling bansa ay hindi dapat kahit mag stop-over lamang sa kahit anong bansa ng Schengen. Nararapat na dala ang passport , ang expired na permit to stay at ang receipt ng renewal sa post office ng permit to stay na ipapakita sa mga bansa.

Sa sinumang  naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o pang pamilya, ay maaaring dumaan,  magbakasyon at manatili sa loob ng Schengen countries lamang kung ang entry visa ay isang “uniform Schengen” na may bisa habang naglalakbay ngunit kung hindi ay maaari lamang manatili sa Italya at sa sariling bansa. Sa anumang kaso, kasama ng renewal receipt at pasaporte ay dapat ipakita ang visa na inisyu ng konsulado na nagtutukoy ng dahilan ng pananatili sa Italya.

Sa mga colf at caregivers na kasalukuyang  naghihintay ng regularisasyon sa halip ay dapat na manatili sa Italya, dahil ang mga resibo ng mga aplikasyon ay hindi isang wastong dokumento upang gamitin sa paglabas ng bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga trabahong tinatanggihan ng mga Italyano, ikinabubuhay ng mga imigrante.

Pinay, nagtuturo ng Filipino martial arts sa mga Italians.