in

Mga artistang Pinoy, may sariling paraan ng pagiging banal sa panahon ng kwaresma

Kahit ang mga kilalang artista, sa panahon ng kwaresma ay makikitang may mga sariling tanda ng pagiging banal at pagkakaroon ng sariling deboto.

altAng rakistang si Jamir ng Slapshock ay nagpa-tattoo sa katawan ng mga imahe ni Hesukristo at Birheng Maria.

Bumalik naman si Cesar Montano kung saan sya lumaki sa Sta. Ana, Manila. Ito’y para tuparin  ang panata niyang makapagbigay ng scholarship sa pamamagitan ng all-star benefit basketball games.

Panata rin ng mag-inang producer na sina Lily at Roselle Monteverde ang makiisa sa Red Cross Missions.

Ang “Box-office Queen” na si Ai Ai delas Alas ay tahimik na itinuloy ang pagkalinga niya sa Missionaries of Charity ng santang si Mother Teresa sa Maynila at pagtulong sa mga pari.

Tinutuloy ng gospel diva na si Jamie Rivera, bilang inspirasyon si St. Augustine sa pagpapalaganap ng mensahe ng Diyos sa mga inspirational songs sa kanyang latest album.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga fake bags mula sa Pilipinas, kumpiskado

Mga abugado ni Winston, nag appoint ng medical examiner