in

ROMULO SALVADOR, bilang isang aktor

Sa kabila sa maiinit na usapin sa Italya na patuloy na binibigyang pansin ng ating kasalukuyang konsehal sa Roma, atin namang silipin ang kanyang natatanging kakayahan bilang isang aktor.

altAno ang ‘Cantieri d’Italia’?

Ang Cantieri ditalia (http://www.cantieriditalia.com/) ay isang TV show na naglalayon na matulungan ang mga imigranteng naninirahan sa Italya na matutong magsalita ng italiano at maintindihan ang kaugalian at kultura ng Italya. Ito ay isang joint project ng RAI Educational at ng Ministero dell’Interno. Ito ay isang show na kahawig sa Sesame Street at camera caffe

Ano ang naging papel mo dito sa educational tv show na ito?

Sa project na ito , ako ay isa sa sampung actor na napili upang gumanap sa mga sketches na siya namang ginagamit sa pagpapaliwanag ng grammar lessons. Sa sampu ay apat na italyano at anim namang dayuhan mula sa Cina, Marocco, Nigeria, Ucrainia, Brazil at Philippines.  Ang aking role dito ay bilang si Angel Soriano, isang musikerong buhat sa Ecuador.

Kailan ito inumpisahan?

Ang production ay ginawa sa RAI Sxa Rubra noong summer 2010 at sinimulang ipalabas last January 2011 kasabay ng implementasyon ng italian language and culture test na kinakailangan na sa pagkuha ng Carta di Soggiorno.

Ano ang kakaibahan nito sa ibang ginanap mo?

Bilang aktor, ito ang pinakamalaki at importanteng trabaho na ginawa ko dahil may kinalaman ito sa aking pagiging representative of migrant community sa local government. Nasa university pa lamang ako ay hilig ko na ang recitazione. Noong nagpunta ako sa Italya ay sumama agad ako sa noon ay aktibong Malayan Theatre Group.

Nagkaroon ka ba ng iba pang mga pelikula bukod dito? alt

Nagsimula akong magtrabaho sa italian tv series like Don Matteo, Carabinieri, Distretto di Polizia. Nakasama din ako sa italian films like “Il ritorno de Monnezza”, “Scusa se ti voglio sposare” at “La neve e la cenere”. Nag trabaho din ako bilang dialogue coach sa Walt Disney Production film na “The Aquatic Adventures” ni Bill Murray  ang auditions and film contracts ko ay under the management of Malcolm X Casting ni Km Bikila.

Bukod sa pagiging konsehal at isang aktor, ano pa ang natatago mong talent?

At age of ten ay kasama na ako sa banda playing clarinet so between music and recitation ay mahirap na sigurong mawala ito sa akin.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Referendum sa Hunyo, nanganganib na di matuloy!!

Kalayaan 2011 – The most awaited celebration by OFWs