“Migrante, higit na nahihirapan sa krisis kaysa sa mga Italyano”
Roma – “Mas mababang loan at mas mataas na interes, samakatwid mas mahirap na financing para sa mga imigrante.
Ito ay ayon sa manager ng Bancad’Italia Paolo Sestito, sa isang conference ng ABI o Italian Banking Association “Immigrants and financial inclusion”.
Mahirap matagpuan ang migrante bilang taga-tanggap ng funds – ayon kay Sestito – mula 22% ay tumaas sa 25% ang mga dayuhang nagmamay-ari ng negosyo na may loan, ngunit ito ay isang antas na maituturing na mababa kumpara sa kabuuang bilang. Hindi lamang, ang mga imigrante ay nakakatanggap ng mababang halaga ng pautang ngunit mas mataas na interes higit sa mga Italians.”