in

Direct Hire: Mga dapat gawin sa isang negatibong opinyon ng DPL dahil sa kita ng employer

altAko ay nagsumite ng aplikasyon para sa isang colf na Pilipina sa nakaraang direct hire 2010. Ako ay nag-aalala na hindi pahintulutan ang aplikasyon dahil sa hindi sapat ang aking kinikita. Anu-ano  po ba ang mga pamantayan upang ang aking aplikasyon ay maaprubahan? Anu ano ang mga bagay na aking dapat isa-alang-alang upang hindi managnib na tanggihan ang aking aplikasyon sa susunod na direct hire?

Roma – Ang isang employer  na naghahangad na magha-hire ng isang colf o care giver ay nararapat na mayroong dobleng sahod ng taunang ipapasahod sa colf o caregiver kasama ang kontribusyon sa Inps. Gayunpaman, ang employer na may karamdaman ay hindi obligadong ilahad ang kanyang taunang kita.

Ang pagbibigay ng pahintulot sa trabaho o nulla osta sa isang dayuhan mula sa Sportello Unico ng imigrasyon ay resulta ng isang komplikadong pagsusuri , kung saan ilang tanggapang ‘institusyunal’ ay naghahayag ng kanilang opinyon base sa mga kundisyung itinakda ng batas. Ang Questura at ang DPL ay ang mga pangunahing tanggapan na sumusuri ng mga aplikasyon at sa kanila naka dipende ang magiging resulta ng aplikasyon. Ang Questura ay sumusuri sa katauhan ng dayuhan tulad ng pagkakaroon ng hatol o sentensya sa ilang mga paglabag sa batas na  itinatag sa pamamagitan ng Batas sa imigrasyon (hal, pagnanakaw, sekswal na karahasan, pakikipagsabwatan  sa mga ilegal na imigrasyon) at / o mga nakaraang deportasyon. Kung ang resulta ng pagsusuri ay mapapatunayang  walang ganitong uri ng hadlang ay ibibigay ang positibong opinyon .Bukod dito, ang Provincial Department of Labour o DPL ay magsusuri naman sa kaukulang kita o sahod ng aplikante o ng employer.

Ayon sa batas, sa katunayan,  ang employer  upang pagkalooban ng nulla osta o pahintulot, ay dapat na magkaroon ng isang sapat na kita upang makapag-hire ng isang dayuhan. Ang DPL ay magsusuri ng ayon sa kahilingan ng employer, bilang isang colf o bilang isang salesman o bilang isang construction worker. Kung isang kumpanya naman ang nag-aplay para sa nulla osta, ang kalkulasyon ay ayon naman sa aktwal na sitwasyong pang- ekonomiya ng kumpanya, na isinasaalang-alang ang mga sales, income at deficit ng kumpanya .

Paano kinakalkula kung may sapat na kakayahang ekonomikal ng employer?

Sa form na ipinadala on line ng mga employer  noong “click day”, isang seksyon ay sumasaklaw sa mga kondisyon na ibinibigay sa empleyado, tulad ng ang antas ng uri ng trabaho at mga oras ng pagtatrabaho. Ang minimum na buwanang suweldo na dapat ay palaging isinasa-alang-alang,  ang DPL ay kinakalkula ayon sa mga table na nilalaman ng contratto collettivo ng mga colf, na ayon sa antas ng uri ng trabaho na nakasulat sa aplikasyon. Kapag ang DPL ay nakumpirma na ang employer ay hindi nagtataglay ng sapat na pang-ekonomikal na kapasidad para sa mga kondisyon na dapat ibigay sa empleyado, ito ay magbibigay ng isang negatibong opinyon.Ngunit ito ay hindi nangangahulugan na ang aplikasyon o ang request para sa nulla osta ay tinanggihan. Ang Sportello Unico, sa puntong ito, ay magpapadala ng isang opisyal na abiso sa employer upang ipaalam na ang aplikasyon o request para sa nulla osta ay may negatibong opinyon dahil sa hindi sapat na kita o sahod nito, at hihilingan ito na magsumite ng mga karagdagang dokumento sa loob ng sampung araw, ayon sa Artikulo. 10 muli ng 241/90 Batas.

Ang employer ay dapat na magpadala ng registered mail with return card ng kopya ng lahat ng mga dokumento upang patunayan ang pagkakaroon ng sapat na kita na hinihingi ng batas. Ang DPL ay susuriin muli ang aplikasyon kasama ang karagdagang dokumentasyon kung ang kinikita ay aabot o lalagpas sa itinakda at pagkatapos ay magbibigay ng isang positibong opinyon sa pamamagitan ng pagpayag sa pag-iisyu ng nulla osta o pahintulot. Kung ang mga karagdagang dokumentasyon ay hindi maisumite sa loob ng itinakdang panahon, ang Sportello Unico ay maglalabas ng isang komunikasyon ng negatibong opinyon bilang kumpirmasyon sa naunang komunikasyon, na maaaring tutulan ng employer sa pamamagitan ng pag-apila sa Hukuman ng Regional Administrative.

Maipapayo samakatuwid, para sa susunod na ‘direct hire’ na dapat na mag-ingat sa mga kina-kailangang ‘numbers’.  Para sa mga walang gaanong kalakihang kita, ipinapayo ang pagbibigay ng trabahong part time lamang sa kukuning dayuhan, dahil sa pagbaba ng oras ng trabaho bawat linggo, ay mababawasan rin ang halaga ng kontribusyon na babayaran sa Inps (para sa 25 hrs/wk, ang kontribusyon ay halos 1,200 euro). Gayunpaman, dapat ding pag-ukulan ng pansin na ang epektong negatibo sa kapasidad na ekonomikal ng aplikante ay may karagdagang mga kadahilanan, tulad ng pagkakaroon iba pang dayuhang manggagawa. Ang  employer na hindi maaabot ang required minimum wage  sa pagsusumite ng  application ay maaaring isama o idagdag ang kita ng first-degree na kapamilya (magulang at mga anak) kahit na hindi kasamang naninirahan o ang indibidwal na ipinagkaloob ng legal bilang assistance.  

Samakatuwid, kung sa aplikasyon ay inilahad lamang ang kita o sahod ng employer,  na binigyan ng negatibong opinion ng DPL, ay maaaring idagdag habang pinoproseso ang kita ng ilang miyembro ng pamilya para sa isang taon 2010 (ibig sabihin ay anglo sa panahon nang ipinadala on linea ng aplikasyon).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Limang kabataang Pilipino, dinampot ng pulis!

Panunumpa ng Filipino Nurses Association of Tuscany – FNAT pinamunuan ni Honorary Consul Dr. Favio Fanfani