in

Ok sa regularisasyon ng mga may dalawang deportasyon

Pagkatapos ng isang mahabang pagtatalo, ang Interior Ministry ay inaprubahan ang sitwasyon. Ngunit ang mga aplikasyon na naka-pending ay employer ang kikilos.

altRome – Isang  magandang balita, ngunit maaaring ito’y mas magandang balita para sa mga higit sa 20,000 mga banyagang manggagawang suspendido ang aplikasyon para sa regularisasyon. Sila ang mga colf at care givers na nagsumite ng aplikasyon para sa Sanatoria noong 2009, ngunit ang mga aplikasyon ay aplikasyon ay tinanggihan o naharang dahil sa isang nakaraang order of expulsion at nahuling muli, inaresto at nahatulan at deportadong muli.

Pagkatapos ng isang mahabang kaso, noong  10 May, ang Konseho ng Estado ay iginawad din sa mga kasong ito ang karapatan sa regularisasyon. Makalipas ang dalawang linggo, ang Interior Ministry ay nag-utos sa mga Sportello Unico per Immigrazione na pairalin ito ngunit pagkatapos lamang ng dalawang araw ay nakakagulat na ipinahinto muli ito at ipinagutos na suspendihin ang regularisaayon at tiniyak ang pagbibigay ng karagdagang paglilinaw sa lalong madaling panahon.

Sa wakas ang sitwasyon ay naging malinaw na. Sa pamamagitan ng isang Circular noong Hunyo, ang Interior Ministry ay nag-utos sa mga prefectural office na suriin ang mga aplikasyon ng mga manggagawa, kung ang notification ng negatibong resulta ng regularisasyon ay hindi lalampas ng 120 araw o walang apilang inilahad. Kung walang ibang hadlang bukod sa dalawang deportasyon, ay maaaring umpisahan ang proseso ng regularisasyon.

Para naman sa mga aplikasyon na sarado na o tinanggihan na ang regularisasyon, ang mga Sportello Unico ay tila ipipikit ang mga mata. Para sa Ministry, ay balido ang ginawang pagpending sa proseso ng aplikasyon, tanging ang mga employer lamang ang maaaring humiling na muling i-proseso ang regularisasyon.

Ito ang malaking pagkakaiba kumpara sa Circular noong Mayo,  kung saan nasaaad na ang pagbubukas muli ng proseso ay maaarng gawing ng mga banyagang manggagawa. Sa mga bagong mga tagubilin sa mga Sportello Unico, ay maraming matatanggihang mga colf at mga care givers: gaano karaming mga employer ang interesado pa rin matapos ang higit sa dalawang taon pagsusumite ng aplikasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong batas sa deportasyon

Imigrasyon at Pensyon, makakabuti sa bansang Italya