in

PHILROMA ELITE AIRSOFT GROUP sa Roma, aktibong aktibo…

Sa nakaraan, ang mga Pinoy Airsoftgunners dito sa Roma ay iilan lamang at iba-iba ang lugar na pinaglalaruan. Noong December 8, 2010 ay itinatag ang PHILROMA ELITE AIRSOFT GROUP o ang lehitimong Airsoft Sport Group dito sa Roma. Ito ay naglalayong mapagkaisa ang mga manlalaro ng airsoft at ibahagi sa kapwa Pinoy ang pasyon at pagmamahal sa ganitong uri ng sport. Ang PHILROMA ay nangangahulugang residente sa Roma ang mga miyembro nito at ELITE na nangangahulugan naman ng “highly trained”. Nakarehistro ang grupo sa Agenzia Delle Entrate at Affiliated sa Centro Sportivo Educativo Nazionale (CSEN).

Ang mga Founding members ay sina Wendell Maniego, Kim Tolentino, Alberto Ortaleza , Ricardo Cayabyab at Ricardo Reyes. Nagsimula sa 26 na miyembro at sa kasalukuyan ay umaabot na sa 60 ang mga miyembro nito. Lahat ay naka rehistro sa CSEN at may Tessera Assicurativa ng Gruppo SAI na isang kilalang insurance company dito sa Italia.

Ang grupo ay nakapaglaro na rin sa ibat ibang airsoft club kasama ang mga kaibigang Italiano at nakarating sa ibat ibang campo katulad ng Malagrotta (Legionari Romani Club), Manicomio, Testa di Lepre (Lycan Clan Club), Castel Romano (Black Ops Club), Bracciano (Softairoma Club), Braccianesse, La Storta, Fiumicino (Fiumicino Airsoft Club). Ang apat na miyembro, kasama ang Lycan Clan ay sumali rin sa Torneo sa Capannelle noong Jan. 15, 2011 at noong June 12,2011 ay muling sumabak sa torneo ng 1st FIERA SOFTAIR ROMA ang 12 all Pinoy member ng grupo.

Ang mga kasalukuyang Officers ng grupo ay mga sumusunod: President: Ramil Mark Owen Tolentino, Vice-President: Ricardo Cayabyab Jr., Secretary: Alberto Ortaleza Jr., Asst.Secretary: Dennis Restrivera, Treasurer: Wendell Maniego, Auditor: Gregorio Balmes Jr., Advicers: Ricardo Reyes Jr. and Isagani Atienza.

SUMMER BEST SHOTS

alt

alt

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularisasyon? Isang ‘indecent proposal’

Ano ang ibig sabihin ng ePassport?