in

Ano ang ibig sabihin ng ePassport?

Ang aking Philippine passport ay pasò na. Nagtungo ako sa Phil. Embassy upang i-renew ito at pagkatapos ay sinabi sa akin na hintayin ko na lamang ang paglabas ng aking ePassport.

Ano po ba ang ibig sabihin ng ePassport? Bakit kailangang ito ang ibigay sa akin sa halip na nomal na pasaporte.

altAng ElectronicPassport o ang “ePassport”ay isang pasaporte na mayroong integratedchip sa pahina nito.   

Ang ‘chip’ ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tulad ng personal na datos, biometrics, at digital signature ng may-ari ng ePassport. Ang lahat ng ito ay nagpapatunay sa pagkakakilanlan ng may-ari ngePassport.

Ang chip ay interoperable, o maaaring basahin ng standard border controlmachine sa buong mundo. Ang chip ay nagbibigay-daan upang mabasa ng chip reader ang mga taglay na impormasyon ng ePassport sa malapitang distansya. Ito ay napapaloob sa pasaporte na may mataas antas ng seguridad upang maiwasan ang anumang uri ng  pagkuha, panggagaya o pagbabasa ng mga impormasyong napapaloob dito.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs) tungkol sa ePassport.

Ano ang ibig sabihin ng Biometrics?

Ang Biometrics ay isang katangi-tanging paraan na kilalanin ang pisikal na anyo ng tao tulad ng mukha, ng fingerprints at iris ng mata. Maaari ring kilalanin nito ang DNA at palmprint (guhit ng palad) ng isang tao.

Ang ePassport ay gumagamit ng digital image ng may-ari nito upang makilala ang kanyang mukha sa pamamagitan ng face recognition technology.

Ito ay ginagamit din upang makilala ang fingerprints ng may-ari ng pasaporte sa pamamagitan ng AFIS (o Automated Fingerprint Verification System).

Anu-ano ang mga katangian ng ePassports?

Ang ePassport ay nagtataglay ng isang chip na mayroong mga importanteng impormasyon at nagpapahintulot itong ihambing ang mga ito sa mga impormasyong nakasulat sa pahina ng pasaporte.

Ito ay gumagamit ng contactless microchip technology na mababasa lamang ng partikular na chip reader sa malapitang distansya, at hindi na kailangan ng anumang pin number o lagda.

Ang ePassport ay mayroon ding karagdagang larawan, isang digital photo at electronic print ng lagda o pirma ng nagmamay-ari ng pasaporte.

Bukod sa kitang-kitang security features nito, ang ePaasport ay nagtataglay din ng mga natatagong katangian para sa seguridad nito tulad ng Invisible Personal Information (IPI), letterscreen, microprinting, at UV reactive ink.

Ano ang pagkakaiba ng MRP o machine readable passport at ng ePassport?

Ang MRP ay isang uri ng pasaporte na nagtataglay ng machine-readable zone (MRZ) na nababasa lamang ng particular na makina ayon sa International Civil Aviation Organization (ICAO) standard.

Ang ePassport naman ay nagtataglay ng IC chip kung saan matatagpuan ang larawan at mga personal na impormasyon ng may-ari nito.  Ito ay naaayon din sa ICAO standard. Ang mga impormasyong taglay ng ePassport ay maaari lamang basahin ng chip readers sa malapitang distansya. Bukod ditto, ang ePassport ay mayroon din machine-readable zone (MRZ).

Anu-ano ang kahalagahan ng ePassport?

Ang ePassport sinisigurong maiiwasan ang pagkopya, paggaya o pamemeke sa passport. Ang data base ng ePassport ay pinangangalagaan ng isang computer technology na sinisigurong mayroon lang iisang ePassport ang iisang tao, kung kaya’t malalaman kaagad kung may ibang taong nagtangkang gumamit ng pagkakakilanlan ng isang tao.

Pinadadali rin nito ang clearance ng mga manlalakbay at pagsusuri sa mga Immigration window

Ang ePassports ay nagbibigay kakayahan sa isang tao na gumamit ng mga automated border clearance or “E-gates” sa mga paliparan, madaliang issuance ng boarding pass, at mas-mabilis na pagproseso ng mga flights sa iba’t ibang mga airlines.

Ang paggamit ng ePassports ay naghahatid din ng mas mabisang proteksyon at seguridad sa maraming bansa.

Bakit kailangang gamitin ang ePassports sa ngayon?

Mas mababang ICAO standards ang gamit ng MRP bilang dokumento sa pangingibang bansa. Samantala, ang ePassports naman ay ang world standard travel documents. Bilang miyembro ng ICAO, ang Pilipinas ay may obligasyong internasyunal upang pangalagaan ang mga travel documents.

Ang pagbibigay ng ePassports sa mga mamamayang Pilipino ay nagpapahintulot bigyan ang mga ito ng serbisyong world-class.

Ang mga bansa ay higit na panatag tanggapin ang mga ePassports dahil sa pagtataglay ng biometric technology nito.  

Animnapung (60) bansa na sa buong mundo ang gumagamit ng ePassports. Samantala, may limang bansa na sa ASEAN ang nagbibigay nito tulad ng Singapore, Brunei, Malaysia, Thailand at Cambodia.

Sa darating na panahon, ang lahat ng mga bansa ay dapat ng mag-isyu ng ePassports sa pangangailangan ng higit na seguridad ng bawat bansa sa mga borders nito.

Ano ang logo ng ePassport at ano ang ibig sabihin nito? 

Ang logo sa cover ng ePassport ay ang simbolong internasyunal ng ePassport. Ito’y nangangahulugang may nilalamang chip ang isang passport, na nagtataglay ng mahahahalang impormasyon ukol sa pasaporte at sa may-ari nito. Ang logo nito ang magbibigay senyales sa mga border inspection lanes at mga transit ports na ang pasaporte ay isang ePassport.

Ako ay mayroong isang pasaporte ngunit hindi pa ito ePassport. Maari ko pa bang gamitin ito habang balido pa?

Oo. Ang pasaporteng naisyu na (MRP o hindi) ay balido hanggang sa expiry date nito. Ugaliing alamin ang expiration ng pasaporte, at ayon sa Bureau of Immigration, dapat na balido ng anim na buwan ang pasaporte bago mag-biyahe upang maiwasan ang anumang aberya.

Mayroon bang karagdagang mga requirements sa pagpo-proseso ng ePassports?

Wala. Ang mga kinakailangang dokumentasyon ay nananatiling tulad ng sa MRP, at kinakailangan ang personal appearance ng aplikante para sa pagkuha ng biometrics tulad ng fingerprints, picture at signature. (source: Phil. Embassy Rome)

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PHILROMA ELITE AIRSOFT GROUP sa Roma, aktibong aktibo…

BINIBINING MARIA LORY GRACE GARCIA, BINIBINING PILIPINAS – TERNI 2011 WINNER