Ito ang nilalaman ng isang panukala na ipinirisinta ni Luciano Dussin ng Lega Nord.
Rome – Para sa mga Italians ang identity card ay may bisa ng sampung taon para sa mga migrante naman ay dapat na katulad ng permit to stay ang validity nito.
Ito ang nilalaman ng isang panukala ng kinatawan ng Lega Nord na si Luciano Dussin. Ito ay naglalayong “magdulot sa mga ahensya ng public order ng karagdagang istrumento upang kontrolin at pangasiwaan ang bansa”.
Pagsubaybay at pangangasiwa, dagdag ni Dussin, sa pamamagitan ng “pagsupil ng anumang uri ng hindi tamang paggamit ng mga dayuhan sa pagpapatala sa Registry Office bilang residente”. Para sa mga dayuhan, sa loob ng animnapung araw matapos ang validity ng permit to stay at hindi magre- renew ng deklarasyon ng paninirahan sa munisipyong sumasaklaw dito, ayon pa sa panukala ni Dussin, ay makakansela sa Registry office.
Isang proseso na kung saan, ayon sa mga lider ng Lega Nord, “hindi na magdadagdag pa ng kaukulang man power o anumang gastusin upang masundan o masabihan ng pagkakansela, dahil ito ay maaaring gawin ng mga tanggapan ng munisipyo mismo.
“Sa pagbabagong ito, dagdag pa ng kinatawan ng Lega Nord, ang patunay ay magmumula sa dayuhan mismo na magre-renew ng permit to stay o magpapakita ng katibayang pino-proseso na ang renewal ng permit to stay”. Isang pamamaraang paulit-ulit na gagawin ng dayuhan tuwing anim na buwan hanggang sa ma-release ang renewed na permit to stay.