MILAN, Italy – Hinakot ng Milan team ang kampeonato sa men and women’s volleyball sa isinagawang One-day Friendhsip game na inorganisa ng B-DRINE Group kamakailan sa Centro Sportivo Tuberose.
Napaka-ingayat naging dikdikan ang laban sa pagitan ng team Milano at Roma Global sa finals ng men’s volleyball . Sa huli, hindi pumayag ang host team na maiuwi ng guest team ang tropeo.
Naiuwi naman ng Super Archers, isa pang team mula sa Roma ang ikatlong puesto.
Maaga pa nang dumating ang koponan ng Roma para sa laban ngunit nanatili ang mga ito hanggang matapos ang laro at awarding dakong alas onse ng gabi.
Ayon kay Joel Salva, coach ng Rome Global Team, bagamat inabot na sila ng hatinggabi, masaya ang kanyang team dahil naidaos ng maayos ang liga bagamat di nila nasungkit ang kampeonato. “Masaya po kami, kahit po malayo an gaming tinakbo, pero ok naman po ang naging laro namin. Sana maulit po lagi ang ganitong palaro upang yun mga bata natin ay hindi mapunta sa ibang bisyo, alam na natin kung anong ibig sabihin. So ipagpatuloy po natin ang ganitong palaro, sana magtagumpay ang Pinoy “, dagdag pa ni Salva.
Todo kantiyaw at hiyawan din ang naging salpukan ng women’s finals.
Hindi rin pumayag ang B-Drine Team na maagaw sa kanila ang titolo ng kampeonato. Naibulsa ng JMS Team mula sa Rome ang ikalawang puesto habang pumangatlo namana ng Factors Torino
Todo pasalamat ang organizer ng liga na pinangungunahan ni Bong Apego. “Ako ay nagpapasalamat dun sa mga dumalo at kahit papaano ay nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan. Kahit papaano ay napagbigyan ko ang mga kabataan na magkaroon ng kaunting pagsasama at magkaroon ng isang laro na maayos nang sa ganun ang mga kabataan ay hindi malulong sa masamang bisyo, diin ni Apego.
Plano ng organizer na ipagpatuloy pa sa mga susunod na pagkakataon ang paglulunsad ng liga na lalahukan ng mga teams mula sa iba’t ibang dako ng Italya. (ZitaBaron)