World Exposition 2015 – Milan – Isa sa pinaka-mahalagang pandaigdigang pangyayari na magpapakita ng tradisyon, paglilikha at mga pagbabago sa industriya ng pagkain.
Target ito’ng lahukan ng Pilipinas. At bilang paghahanda,… sinimulan na ang ugnayang Milan-Manila.
Nakipagpulong ang Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) sa MACEF officials kasama ang European Chamber of Commerce para sa pagkakaroon ng cooperative agreement sa pagitan ng Pilipinas at Italya.
Layunin din nito na higit pa’ng maipakilala ang mga gawang Pinoy sa European market at ang maikalat naman sa Asya ang mga Italian-made crafts.
Positibo si Rosario (Rosvi) Gaetos, Executive Director ng CITEM sa naging takbo ng serye ng mga pag-uusap.
“This is going to be very high design show, most probably with movement 8, and a new group called époque, a group of young designers from the Philipines. We are going to exhibit very avante products and materials. What we’re trying to do now is bring back again the design consciousness for Europe to start thinking that the Philippines is very high-quality, design-driven and where you can get a really export-product ever”
Si Gaetos ay dumalo sa 91st edition ng MACEF kung saan tampok ang mga makabagong desinyo ng mga dekorasyong pambahay, clothings, fashion accessories at jewelries.
Potential market daw ang Europe kaya naman patuloy pa rin sa paglahok sa mga trade fairs ang ilang negosyante’ng Pinoy kabilang ang Unijel na pag-aari ni Lucy de Belen.
“We have been joining Macef since 1996, it has helped us a lot to keep the market from Europe, of course there were years it was not good but we keep on coming back because of the sales we can generate from here”diin ni de Belen.
Kabilang pa sa mga lumahok sa katatapos na Autumn Macef trade fair ay ang Binibini by Janice Minor, G. De Signare Mfg, Phils., Touchwood, Wynona’s Home Creation at ang Fairs and More.
Sinamantala ng mga Pinoy exhibitors ang presensya ng CITEM director upang maipaabot ang mga opinion, komentaryo at mga reklamo sa Manila Fame International, ang bi-annual trade show sa Manila na inoorganisa ng CITEM, ang exports promotion arm ng Department of Trade and Industry. (Zita Baron)