in

Humanitarian permit to stay, sa Questura ang renewal!

Mga detalye mula sa Ministry of Interior. Ang extension ay awtomatiko, kahit yaong mga hindi nagtatrabaho ay hindi manganganib ng expulsion . Ngunit mahirap na makahanap ng trabaho kung ang validity ng permit to stay ay expired na!

altRome – Ang mga permit to stay na ipinagkaloob para sa dahilang humanitarian noong nakaraang Abril sa mga mamamayan ng North Africa ay balido pa rin sa susunod na anim na buwan. Ito ay isang katotohanan. Ngunit ano ang dapat gawin ng sinumang walang permit to stay?

Kung walang trabaho, maaari pa ring maka siguro na hindi mapapatalsik. Ang ministry mismo ang naghayag noong Biyernes ng extension sa lahat ng mga istasyon ng pulisya (o Questura), na nagpapaliwanag na ang mga may hawak ng permit to stay “ay regular na nananatili sa buong bansa para sa karagdagang anim na buwan.

Gayunpaman, ay ipinapayong hilingin ang renewal ng permit to stay. Walang duda na sinumang nagbabalak na lumipat sa ibang European country ay dapat na magdala ng isang valid document na-updated ang petsa ng validity nito, dahil ang mga pulisiya ng ibang bansa ay maaaring hindi alam ang mga pagbabago sa kasalukuyang batas sa bansa. Kung kaya’t ipinapayo na kahit na mananatili sa Italya ay i-renew ang nasabing dokumento.

“Gamit ang isang updated na permit to stay ay nagiging mas madaling i-re-enroll ang serbisyong pangkalusugan (servizio sanotario) at ang sa employment center  (centro per l’impiego) o, lalo na, sa paghahanap ng trabaho. Mahirap para sa isang kumpanya o sa isang pamilya ang ipaliwanag na kahit nakasulat sa permit to stay na valid lamang ito hanggang sa Oktubre, sa katunayan, ay balido pa rin hanggang sa Abril”, pamumuna ni Giorgio Dell’Amico, mula sa Foreign Centre ng Munisipalidad ng Modena.

Ang Interior Ministry ay ipinaliwanag na ang pagre-renew ay may parehong pamamaraan ng first issuance. Ito ay libre at dapat na i-direkta sa istasyon ng pulis, pati na rin sa renewal ng “travel document” na ibinigay sa mga walang dokumento. Ang mga dokumentasyon ay ipoproseso sa mga tanggapan ng migrasyon na kinakailangang bilisanang proseso at ang renewed na permit to stay, ayon sa pangako ng Ministry, ay  ipagkakaloob  2 o3 araw mula sa petsa ng authorization.

Isa pang klaripikasyon na maaaring maging kapaki-pakinabang ay ang ilang conversion ng mga humanitarian permit to stay. Inaasahang maaaring mai-convert ang ganitong uri ng permit to stay para sa trabaho, ngunit ang posisyon ng mga himpilan ng pulis ay hindi pare pareho sa conversion ng ibang uri ng mga permit to stay tulad ng pamilya at pag-aaral.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Best Lasagna Recipe

“Ngayon ang tamang panahon upang maging Italyano” – Liham ng mga mayor para sa ikalawang henerasyon!