Benedict XVI at Ahmed el Tayyeb unwilling testimonies ng kampanyang “Unhate”. “Ang galit ay nagmumula sa takot sa ibang tao at ito ay hindi alam ng marami “
Rome – Nagsimula sa guerrilla marketing ang bagong kampanyang “Unhate” ng United Colors of Benetton. Tatlong mga banners na inilantad sa Rome at Milan na mayroong photo montage ng mga naghahalikan.
Sa Kabisera, sa tulay ng Anghel, dito ay nakasabit ang banner na marahil ay higit na nagkaroon ng isyu: Pope Benedict XVI na humahalik kay Ahmed el Tayyeb, ang guro ng moske ng Al Azhar sa Cairo. Halos isang paghuhusga, na mas mataas pa kumpara sa pinakamataas na antas at pinakahuling komprontasyon sa pagitan ng relihiyon, maging sa halikan ng isang pari at madre ni Oliviero Toscani noong 1991.
Sa harapan ng market stock at sa plasa Duomo sa Milan, ay matatagpuan naman ang halikan sa pagitan ng Sarkozy at Angela Merkel at sa pagitan ng Barack Obama at Presidenteng Intsik Ju Jintao. Ang kampanya ay nagpapakita ng lips to lips ng iba pang mga leaders tulad nila Kim Jong-il at Lee Myung-bak , Ang Palestine president na si Mahmoud Abbas at ang Israel Prime minister na si Benjamin Netanyahu at muli si Obama at ang Venezuela president Hugo Chavez.
“Kung ang pag-ibig ay pangkalahatan, at nanatiling iisa, kahit pa hindi ito maisasakatuparan, ang imbitasyon na ‘huwag mapoot’ upang labanan ang ‘kultura ng galit’, ay kumakatawan sa isang mataas na pangarap ngunit makatotohanan”, ito ang paliwanag ni Alessandra Benetton, ang Executive Vice president ng Benetton Group. “Kami ay nagpasya na magbigay ng World exposure na may mataas na tolerance, sa isang ideya na nag-iimbita sa lahat ng mga mamamayan ng lahat ng bansa upang suriin kung paano ang galit ay nagsisimula higit sa takot sa ibang tao at ito ay lingid sa kaalaman ng marami”.
Ngunit matapos ang mga protesta mula sa mananampalataya at sa Vatican kagabi (“isang kalabisan at hindi matatanggap na paggamit ng imahe ng Santo Padre, ginamit at sinamantala bilang bahagi ng isang advertising para sa isang komersyal na layunin”), at ni Al-Azhar (“ay isang walang galang na pagamit ng karapatan ng pag-iisip”, ayon sa Konsehal para sa religious dialogue ng moska), ang Benetton ay naghayag ng pagtatanggal ng halikan sa pagitan ng Santo Padre at ng Imam.
“Inuulit namin na ang kampanyang ito ay para lamang labanan ang kultura ng galit sa lahat ng uri nito – ayon sa tagapagsalita ng grupo – Kami ay humihingi ng paumanhin na ang paggamit ng mga imahe ng Pope at ng Imam ay nakaapekto sa damdamin ng mga mananampalataya. Bilang kumpirmasyon ng aming paumanhin ay nagpasya kami na tanggalin ang imaheng ito mula sa bawat publication. “