Sa ika-apat na pagkakataon sa taong ito, isang drug mule Pinoy ang pinarusahan ng kamatayan sa China.
Manila – Isang 35-taon gulang na Filipino ang pinarusahan ng kamatayan para sa salang drug trafficking sa pamamagitan ng lethal injection sa Guangxi kahapon.
Ayon sa ulat ni V.P. Jejomar Binay, at tagapayo rin ukol sa mga isyung ofw at kay Raul Hernandez, ang tagapagsalita Department of Foreign Affairs (DFA), ang parusa ay iginawad kahapon bandang 12.30 ng tanghali sa Liuzhou
“Ang buhay ng bawat Filipino ay mahalaga at kami ay nakikiramay sa pamilya. Ayaw naming may iba pang Filipino at pamilya ang makaranas ng ganitong paghihirap”, ayon sa mensahe ng DFA na binasa ni Hernandez.
“Nananawagan kami sa ating mga kababayan na mag-inagt sa Drug syndicate. Ang Drug trafficking ay isang krimen na kumakalat sa Maynila at sa buong mundo. Ipagdasal natin na ito ay ang huling trahedya para sa ating mga kababayan”, ayon pa sa DFA.
Nakausap diumano ang pamilya at mga kamag-anak nito sa loob ng 50 minuto sa Hukuman sa Guilin bago ito tutlyang dalhin sa Liuzhou para parusahan. Ang pamilya at kamag-anak ay minabuting manatili sa Guilin, 2 oras ang layo sa Liuzhou, ayon pa kay Hernandez.
Ang labi nito ay ibabalik sa Pilipinas matapos ang 4 hanggang 6 na araw.