“Mga kaibigang Senegalese, manatili kayo dito at huwag magpatakot “
Florence – ”Ang pagkakaroon ng mga migrante sa ating lipunan ay tinanggap sa mahabang panahon bilang kwestyon ng pampublikong kaayusan, isang paglusob o isang pagbibintang. Mayroong mga batas na naglalayong parusahan ang iligal na imigrasyon na dapat buwagin dahil naghahatid ito ng takot sa napakaraming kabataan at dahil dito ay pinaparusahan ang kundisyon at hindi ang paglabag.
Ito ang mga binitawang salita ng presidente ng Regione Toscana Enrico Rossi.
“Sa Tuscany – paliwanag ni Rossi – tayo ay may mga batas na sumisigurado sa karapatan ng pagtulong at pangangalaga at ito ay aming pangangalagaan sa harap ng Hukuman. Senegalese, mga kaibigan, matuto at ipagtanggol nyo rin ang aming Konstitusyon.”’Nanawagan ako kay Pangulong Napolitano – ayon kay Pangulong Rossi – na ipagkaloob sa tatlong nasugatang Senegalese ang Italian citizenship, bilang isang kongkretong pagkilos ng pagkikipag-kasundo sa kanilang komunidad “.
Naniniwala din ako na ang mga anak ng dayuhang ipinanganak sa Italya ay dapat maging mga Italyano agad at sa aking palagay, ang 10% ng labor force ng ating bansa na walang karapatan sa boto ay isang pagkakait ng demokrasya. At bilang pagwawakas, ay panahon na upang itigil ang paggamit ng mga salitang vucumpra (treet vendor of African origin) extracomunitario (non-Eu nationals) , clandestino (clandestine), badante (care giver): umpisahan na rin nating linisin ang ating mga pananalita”.