Bilang ng mga dayuhan, dadami sa Italya: Mula sa kasalukuyang 4,6 milyon sa 14,1 milyon sa taong 2065. Ito ang pagtatantya ng ISTAT sa ulat ukol sa demograpiko sa hinaharap, kung saan ay ipinahiwatig na sa taong 2065 ang populasyon ay magiging 61,3 milyon.
Roma – Ang populasyon ng mga dayuhang residente, sa mga nakaraang taon, ay naging napaka-lakas ang impluwensya sa pagbabagong demograpiko ng bansa at sa taong mga darating, ang antas ng pagiging multi- ethnic ng bansa ay lalong madaragdagan. Ayon ito sa Istat sa paghaharap ng kanilang pag-aaral sa kalagayang demograpiko ng bansa sa hinaharap.
Ang sitwasyon sa Cetral region ay nagreresulta ng isang patuloy na pagtaas, kahit na ang takbo ng populasyon ng mga dayuhan ay bumababa sa paglipas ng panahon,. Mula sa 4,6 milyong inulat sa taong 2011, ito ay magiging 7,3 milyon sa taong 2020 at 9,5 milyon naman sa taong 2030. Sa pag-lipas ng panahon ay tinatayang aabot sa 12,7 milyon ang mga residente bago ang taong 2040 at 14,1 milyon sa taong 2065.
Bilang bahagi ng demographic condition, ang mga migrant couples ay magbibigay ng 7,5 milyon new births sa kabuuan ng forecast, na maaaring hindi bumaba sa 6,4 milyon at sa isang maximum births ng 8.6 milyon. Sa mga panahong ito, dahil sa epekto ng batang istraktura sa edad ng populasyon ng mga dayuhan, ang death rate ay maaaring maging katumbas ng 2,3 milyon, na maaaaring sa pagitan ng 2.1 at 2.5 milyon. Ang kontribusyon sa paglago ng populasyon, samakatuwid, ay lalong naging mahalaga: 5,2 milyon sa sitwasyon sa Central region at mas mataas malaking pagitan mula sa 3,9 at 6,4 milyon.
Nagbibigay din ito, sa mga panahong ito ng bilang na maaaring magkaroon ng citizenship (na ibabawas sa bilang ng popolasyon ng mga dayuhan) halos 7,6 milyon sa sentro, 5,6 naman sa south at 9,8 milyon naman sa north.
Ang lokasyong teritoryal ng populasyon ng mga dayuhan ay tumataas sa lahat ng dako, magpapatuloy na makinabang lalo na ang Central-North region, ngunit hindi makabuluhan sa kasalukuyang heograpikal na pamamalagi. Sa hilagang-kanluran, ang populasyon ng mga banyaga ay aabot sa 5,1 milyon sa 2065, o katumbas ng 36% ng kabuuang populasyon ng mga dayuhang nakatira sa bansa. Ang Northeast at ang Central region ay susunod, na mayroong 3.7 at 3,6 milyong residente na sasaklaw ang pareho sa 26% ng kabuuang popolasyon sa bansa. Ang South at ang mga isola ay maaaring magkaroon, ayon sa pagkakabanggit, ng 1.2 at 0,5 milyong residente, na sasaklaw naman sa 9% at 4%.
Para sa Italya bilang kabuuan, na isinasaalang-alang ang sitwasyon sa Central region, ang epekto ng dayuhang residente ay magiging malaki mula sa 7.5% sa taong 2011 hanggang 14.6% sa taong 2030, at aabot sa 23% sa taong 2065.
Sa National scale, kahit na mula sa iba’t-ibang antas, lahat ng mga lugar ng bansa ay makakaramdam ng proseso ng paglago ng populasyon ng mga banyaga: ang Central- North region, ang unang-una makakakita ng pagdodoble sa bilang ng mga regular, mula sa 10% hanggang sa 26-27% hanggang sa 29% sa Hilaga-kanluran. Ang katimugang rehiyon ay magkakaroon ng higit pa sa katamtamang pagtaas, mula sa 3% hanggang sa halos 10% sa taong 2065.