in

Prioridad ang mga Italians sa panahon ng krisis – Lega Nord

Ang Lega Nord matapos ang audition ni Riccardi sa House. “Pamahalaan, dapat harapin ang mga problema sa ekonomiya. Hindi tamang tanggalin ang buwis sa permit to stay”

altRome – 13 Enero 2012 – “Ang problema sa mga iligal na imigrante ay hindi malulutas sa pagbibigay ng citizenship sa mga regular na migrante. Ito ay temang sumasaklaw higit sa parlyamento, at naniniwala ako na ang isang  pamahalaang tekniko tulad ninyo, ay dapat lamang na harapin ang mga problema sa ekonomiya.”

Kung kaya’t si Maria Piera Pastore, isang miyembro ng Committee on Constitutional Affairs, sa interbensyon ni Riccardi ay nagsabing: “Ang Citizenship para sa mga imigrante ay hindi nangangahulugan ng isang awtomatikong integrasyon at ang Lega Nord ay patuloy na paninindigan na ang kasalukuyang batas sa citizenship ay hindi dapat baguhin”.
Si Matteo Bragantini ng Lega Nord ay hinarap din ang Ministro, at naghayag: “Sa palagay mo ba ay tamang sa panahon ng krisis ay tanggalin ang buwis ng mga permit to stay. Sakripisyo ang usapan dito – ito ay para sa lahat, hindi lamang para sa aming sariling mga mamamayan”.

Mabigat din ang mga salita ng party leader ng Lega Nord sa Committee na si Pierguido Vanalli na naghayag ng ganito: “Sa panahon ng paghihirap at krisis ay nararapat na magbigay ng mga priorities, pati sa mga suporta sa mga mas nahihirapan at nangangailangan – na sa sandaling ito ay ang mga Italians na nawawalan ng trabaho at mga negosyo na hindi na magkaroon ng ‘kita’. Priority para kay Vanalli ang lumikha ng mga trabaho para sa mga bumuo at naging bahagi ng lipunan. “Pagkatapos nito ay maaari ng harapin ang tema ng imigrasyon”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kailan nawawalan ng bisa ang kasal?

Rasismo o poot panlahi o diskriminasyon, isang krimen