in

Eskwela, suspendido sa Roma bukas

Roma – Ang mga paaralan at mga publikong tanggapan ay sarado muli bukas, Biyernes at sa Sabado at maaari lamang patakbuhin ang mga sasakyang mayroong kadena.

altAng Mayor ng Roma Gianni Alemanno ay muling nagdesisyon ng pagsususpinde ng eskwela dahil sa weather forecast para sa susunod na mgaaraw.

Isang ordinansa ng Mayor, na matatagpuan sa website ng Roma Capitale ang nagsasaad, “ang pagbabawal sa mga sasakyan na walang dalang kadena o gulong na para sa snow, mula alas 6 ng umaga ng Biyernes,  10 Pebrero hanggang hatinggabi ng Sabado, 11 Pebrero. Total stop din para sa mga motorsiklo at motor”.

Ang Mayor ay nag-apila rin sa mga kumpanya na nagbebenta ng mga kadena para sa mga kotse na maglabas ng maraming mga kadena ngunit sa normal na presyo lamang.

Matapos ang naging mainit na isyu sa head ng Civil Protectionn a siFranco Gabrielli, si Alemanno ay naghanda ng isang bagong plano: 1,000 tons ng asin para bukas at Sabado,  4,000 pala na ibinahagi sa iba’t ibang munisipalidad, 250 makinarya na mag-aalis ng snow at yelo sa mga kalsada,  higit sa 6000 na mga manggagawa sa tatlong shifts, 900 opisyal ng pulis ng Roma Capitale, 1,000 kalye na papatrolin, 550 emergency operators, 100 grupo ng Department of Public Works, 45 grupo para sa light emergency, 900 bolontaryo ng Protezione Civile sa 24 oras, 300 Ares operators.

“Samantala para sa publikong sasakyan, mayroong 800 mga bus sa 69 mga linya. Para sa mga wala namang tahanan, ay nakalaan ang 2,500 na pwesto (higit ng1300 pwestosaordinaryong araw),” ayon pa rin ordinansa ng Mayor.

Ngayong araw na ito ang Ministro na si Anna Maria Cancellieri, sa isang mensahe sa Senado, ay sinabing isang bagong”natatanging” paglamig ay papalapit ng bansa, magkakaroon ng pag-ulan ng yelo at matinding lamig, simula ngayong araw na ito sa hilaga at gayun din simula bukas sa Center-South.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Simple beauty tips for Moms

NATUTURUAN BA ANG PUSO?