in

5 programa ng ABS-CBN, nominado sa New York Festivals Int’l TV & Film Awards

Manila, Pebraltero 14, 2012 –  Nakuha ng ABS-CBN sa 2012 New York Festivals International Television & Film Awards ang limang nominasyon para sa katangi-tanging current affairs shows at specials nito.

Ang mga entries na pinagpilian ng nominasyon ay nagbuhat sa 40 bansa.

Kabilang sa mga nominado ang dokumentaryong Storyline sa Biography/Profiles category, ang TV Patrol sa Best Newscast category, ang Krusada sa Social Issues/Current Events category, ang Rated K sa Magazine Format category, ang espesyal na dokumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs sa ika-25 anibersaryo ng 1986 People Power revolution na EDSA25: Sulyap sa Kasaysayan naman sa History and Society category.

Paparangalan ang mga finalists sa awarding ceremony sa April 17, kasabay ng National Association of Broadcasters show na gaganapin mula April 14 hanggang19, 2012 sa Las Vegas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga magre-renew ng permit to stay, umaasa sa mga pagbabago

“Reporma ng citizenship, dapat harapin” – Bondi