Sa kahilingan ng mga colf, ang mga employer ay dapat ihayag ang halaga ng mga pinasahod. Ang Assindatcolf: “Kailangan para sa deklarasyon ng kinita, pati na rin sa renewal ng permit to stay.
Roma – Marso 2, 2012 – Ang income tax return ay malayo pa rin ngunit ang paghahayag ng kinita sa Revenue ay nagsimula na. Sa pagtatapos ng Pebrero ang mga kumpanya ay dapat magbigay sa kanilang mga empleyado ng CUD, isang sertipiko kung saan nasasaad ang mga kinita pati ang tax deduction at social security sa nakaraang taon.
Gayunpaman, ang pamamaraang ito ay hindi angkop sa mga pamilyang mayroong mga housekeepers, babysitters at mga caregivers. Bilang pagpapaalala sa isang pahayag ng ‘Assindatcolf, “ang mga employer ng mga colf, ay hindi nasasaklaw sa pagbibigay ng anumang kapalit ng buwis, at hindi lamang hindi kinakailangang gumawa ng anumang witholding tax para sa income tax return, ngunit walang ring obligasyong maghayag ng CUD para sa kanyang trabahador.
Ang Artikulo 32 ng National collective agreement, (Contratto collettivo nazionale di lavoro domestico) ay naghahayag, gayunpaman, na ang mga employers ay dapat magbigay, sa kahilingan ng mga trabahador at sa anumang buwan ng taon, ng isang “pahayag kung saan nasasaad ang kabuuang halagang ipinasahod sa buong taon”. Ito ay binibigyang diin ng mga asosasyon ng mga employers ng mga colf, “kailangang kumpilahan ng manggagawa ang Dichiarazione Sostitutiva at ito ay mahalaga para sa dayuhan para sa renewal ng mga permit to stay.
Ang pagsusulat ng pahayag na ito ay hindi mahirap. Ang mga employer ay dapat lamang isulat ang kabuuang halagang ipinasahod sa nakaraang taon, na buhat sa buwanang sahod ng manggagawa.