Blessed Pedro Calungsod, ang magiging pangalawang Filipino saint, ay maaaring maging patron saint ng mga ofws.
Rome, Abril 18, 2012 – Ito ay ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ngayong Miyerkules.
Ayon sa CBCP Assistant Secretary General Fr. Marvin Mejia si Calungsod ay maaaring maging patron saint ng OFWs dahil siya ay nagtrabaho sa mga Jesuit missionaries sa Guam para sa katehisis ng mga natives doon noong 1660s. Maaari rin siyang maging patron saint na mga kabataan dahil siya ay namatay sa edad na 17 o ang patron saint ng mga lay missionaries.
Sigurado diumano si Mejia na si Blessd Pedro Calungsod ay maaaring maging modelo sa bawat na Filipino para sa magagandang bagay na ginawa nito at dahil inialay niya ang kanyang buhay para sa pananampalataya.
Ipinaalala ni Mejia na ang kanonisasyon ay gaganapin sa Roma sa Oktubre 21, pagkatapos ay magkakaroon ng nationwide celebration at thanksgiving mass sa Pilipinas sa Nobyembre 20.
Kinumpirma rin nito ang pagdiriwang ay masasabay sa pagsisimula ng “Duaw Nusud” o ang pagbisita sa buong bansa ng imahe ni San Pedro Calungsod na naglalayong ipakilala ang santo mga Filipino at upang magsulong ng debosyon para sa kanya.
Pagdating ng imahe mula sa Roma, ay magkakaroon ng isang maringal na pagtanggap sa Maynila. Ito ay dadalhin sa Vigan para sa isang motorcade.