in

Consular Outreach Program, ginawa sa Palermo

Bukod sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipino ay binisita sa kauna-unahang pagkakataon ng isang Ambasador ang mga Pinoy sa Palermo.

altPalermo, Abril 24, 2012 – Ginanap ang Consular Outreach Program sa Palermo noong April 21-22, 2012. Ang proyektong ito ay taunang isinasagawa ng Philippine Embassy Rome at ng Philippine Don Bosco Association  para sa mga Filipino mula sa iba’t ibang siyudad sa South Italy tulad ng Agrigento, Catania, Reggio Calabria, Messina, Trapani at Palermo.

Higit kumulang anim na daang Filipino ang dumulog at natulungan para sa problema ng kani-kanilang mga dokumento tulad ng passport renewal, SPA at affidavits, NBI, dual citizenship, PAG-IBIG at OWWA membership at iba pa. 
Ang team mula sa Philippine Embassy ay pinangunahan ni Consul General Grace Cruz Fabella habang ang POLO OWWA team naman ay pinangunahan ni Labor Attache Viveca Catalig. Ang mga ibang miyembro ng grupo ay sina: Lorleejane Mandi, Ceres Jaca Ginauli, Antonio Balladolid, Maribel Baladjay Borg, Benilda Carillo, Lee Pangilinan, Gilda Santos Mandi, Ernesto Ginauli, Corazon Manzana, Delilah Gutierrez Corazon Sangco at Jan Michael Obiso.

alt

Sa okasyong ito ay dumalo din ang Ambassador ng Philippine Embassy na si His Excellency Virgilio A. Reyes Jr at ang kanyang mahal na kabiyak na si Madam Maria Feliza Reyes.

Sa unang pagkakataon sa loob ng 33 years na may mga Filipino sa Palermo ay ngayon lamang nakarating ang isang Ambassador sa nasabing siyudad at maraming mga Filipino ang nagalak sa pagbisita ng kagaang-galang na Ambassador.

Sa kanyang dalawang araw na pagbisita ay nakipagdaop-palad ito sa mga mataas na pamunuan ng siyudad at iba pang mga importanteng personalidad na sina: Honorary Consul Dott. Domenico Marciano, Dott.ssa Luisa LATELLA, Acting Mayor of Palermo & Prefect of Vibo Valentia, Dott.Antonio Di Liberto, Director General of the Departments Union for the Policies of Social-Health, Hon. Caterina altChinnici, Regional Minister for Local Government and Public Service (officially delegated by the President of Sicily Hon. Raffaele LOMBARDO) at ang iba’t ibang lider ng mga Filipino association ng South Italy.  Nagkaroon rin ng pagkakataong bisitahin ang mga importanteng simbahan, museum at mga parke sa nasabing siyudad.

Ang proyektong ito ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ng mga opisyales ng Philippine Don Bosco Association, na pinangununahan ng presidente na si Rey Lagutan at ang Filipino  Community Coordinator na si Armand Curameng. (ni: Armand Curameng)alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

36% ng rice import, maaaring matipid ng Pilipinas

Tumila Na Ang Ulan