in

Hoy gising Pinoy!

Ang ‘Salot sa Lipunan’ ay isang kathang-isip na kwentong buhat sa masugid na tagasubaybay ng ating pahayagan online www.akoaypilipino.eu. Isang napapanahong ‘kwentong ofw’ dahil sa kabi-kabilang pag-aaresto sa ating mga kababayang nalululong sa ipinagbabawal na gamot, lalong higit kilala bilang ‘shaboo’. Gayun din para sa ating mga kababayang ‘nagtutulak’ nito sa mga menor de edad na mahina at madaling nadadala sa magagandag mga pananalita.

HOY GISING PINOY! Ikaw ay isang anak, bigyang halaga mo ang hirap na may puhunang dugo at pawis ng iyong mga magulang. Sila’y unawain mo kung tila nauubos ang panahon sa pagta-trabaho, sila’y higit mong unawain. Huwag kang malulong sa bawal na gamut!  Ikaw ay isang magulang, isipin mo ang kinabukasan ng iyong mga anak. Huwag kang masilaw sa laki ng perang dulot ng pagtutulak o pagbebenta ng ‘shaboo’. Ikaw ay isang mamamayan. Rispetuhin mo ang ating bansang pinagmulan. Ikaw ay nasa Italya upang maging bahagi ng Bagong Pilipinas, ikaw ay Bagong Bayani! Igalang mo ang bansang tumatanggap sa iyo bilang isang panauhin. At higit sa lahat, ikaw ay isang mananampalataya. Kahit ano pa ang relihiyong iyong kinabibilangan, ang turo ng paggawa ng mabuti sa kapwa pa rin ang tumbok nito. Takot sa Diyos ang itinuro sa atin ng ating mga ninuno, dalhin mo ito bilang isang sandata.

Alam nating lahat na walang pinakamabisang libro upang maging ‘magaling at perpektong magulang’. Ang pagiging magulang na misimo ang nagtuturo kung paano maging isang magulang. Magulang na walang hinangad kundi ang kabutihan ng kanyang anak. Tulad ng ginagawa ng milyun-milyong mga ofws na iniiwan ang pamilya, asawa’t anak sa Pilipinas. Aminin man natin o hindi, maganda ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Italya, at ang batas nila sa ‘pamilya’ ay nagpahintulot upang magkapiling ang pamilyang Pinoy na minsan ng pinaghiwalay ng tadhana. Ngunit ang pagsama-samang ito ay hindi nagbibigay exemptions sa mga hirap ng buhay sa Italya. Ito ay simula pa lamang…….  Dito magsisimula ang pakikibaka ng mga anak, sa eskwela, sa kultura, sa siyudad, sa linguahe at sa uri mismo ng pamumuhay sa loob ng tahanan. Bawat miyembro ng pamilya, bawat araw ay may kanya kanyang hamon, risulta ng biyaya ng pagiging magkakasama sa bansang Italya.

Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, normal lang siguro na ang mga magulang ay full time sa trabaho. Pero hindi ito nangangahulugan na ang tiwala sa mga anak ay sapat na, upang hindi sila subaybayan sa eskwela. Ito ay subaybay upang alamin ang kanilang estado sa school; nahihirapan ba sila na ma-integrate, hirap pa rin ba sa italian language o isang simpleng pagpunta sa school para kunin ang class card nila. Mahalaga ito. Mahirap maging huli ang lahat, dahil ang mga anak ay naghahanap rin ng atensyon buhat sa mga magulang. Kahit ang mga kabataan ay mga hinaing din sa buhay na karaniwang itinatago lamang at sa ka-edad lamang inilalabas.

Huwag namang itulot at tumama sa pader! Kung mapa-barkada at tuluyan ng hindi pumasok sa eskwela? Kung ang kahinaan ng mga kabataang ito ang matagpuan ng mga pusher na Pinoy na walang pasing tabi basta’t kumita lamang at hindi magkudkod? Paano na ang tahanan? Ano na ang kinabukasan ng pamilya? Napabalita na ang mga kabataang Pinoy as baby gang at mayroong na ring na-rape ng kapwa Pinoy. Kumilos na tayo mga magulang habang may panahon pa…

Bilang Pinoy, mayroon pa rin tayong isang ‘alas’ dahil tayo ay mayroong panananampalataya. Paniniwalang ang panalangin ay matibay na sandata sa panahon ng mga pagsubok at suliranin sa buhay. Maraming mga Filipino communities, maraming mga pari, o kahit isang simpleng kaibigan ang maaaring lapitan. Tayong mga Pinoy ay dapat na MAG DAMAYAN.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paglilinaw ukol sa self-certification para sa mga imigrante

Worldwide protest sa mga Embahada ng China