Walong daang libong rehistradong mga imigrante sa registrar (anagrafe) ang hindi tumugon sa questionnaire ng Istat para sa Census at ngayon ay nanganganib na matanggal o mabura. Ayon sa eksperto, “Mga initial datas ang mga ito, hindi pa namin matiyak ang mga errors, ngunit hindi kami umaasa sa malaking pagkakaiba pagkatapos”.
Roma – Mayo 10, 2012 – Sa mga naging unang resulta ng Census na inilabas ng Istat ilang araw na ang nakakalipas ay mayroong mga bagay na nananatiling hindi malinaw.
Ang mga dayuhan na binilang ng questionnaires ay 3,769,518, habang ang mga nakatala sa registrar ng mga munisipyo noong Enero 1 ng nakaraang taon ay halos 4.570.317. Halos 800,000 ang mga nawawala. Ito ay tila parang bulang naglaho ang mga naninirahan sa isang malaking lungsod tulad ng Turin. Saan sila nagpunta? Subukan nating unawain sa pamamagitan ni Giuseppe Sindoni, ang responsabile ng ISTAT.
Pinal na ba ang mga bilang na ito?
“Hindi, ang mga ito ay pansamantala lang, dahil hindi pa namin naku-kumpleto ang comparison ng mga questionnaire sa mga aquisition center. Ang bawat Munisipyo ay nagpadala na ng mga summary, kasama ang datas ng mga imigrante, kaya’t hindi kami umaasa sa malaking pagkakaiba . Ang mga final datas ng popolasyon ay aming ilalabas sa katapusan ng taon.
Kahit pa ang mga malaking lungsod ay nagpadala na ng summary?
Sa labindalawang munisipyo (Cagliari, Florence, Livorno, Messina, Milan, Naples, Perugia, Prato, Ravenna, Rome, Salerno at Turin) ay estimation lamang ang datas, dahil hindi pa tapos ang beripikasyon.
Paano nyo ginawa ang estimation?
“Batay sa naging trend hanggang noong mga panahong iyon. Pinasimple lang: kung sa apat na linggo ay umabot sa 100 ang dayuhan, ay aming kinalkula na sa huling dalawang linggo sa pagbibigay ng mga qustionnaires ay nadagdagan ng 50. Sa Milan, Rome at Naples ang sistemang ito ay marahil kakaunti sa tunay na bilang ng mga dayuhan.
Bakit?
“Dahil sa mga bayang ito ang mga munisipyo ay nagpatulong sa mga cultural mediators at mga asosasyon upang kolektahin ang mga questionnaires ng mga imigrante, na nagbalik ng mga ito bandang huli na at samakatwid ay panghuli na ring masusuri. Maigsing panahon na lamang ang kailangan, at ilang libong pamilya na lamang ang naiiwan, kung kaya’t sa kabuuan ay maliit na bilang na lamang ang inaasahan naming magiging diperensya.
Paano maipapaliwanag ang tila paglaho ng 800 000 mga imigrante?
“Dahil sa mabilisang movement ng mga imigrante, ang mga Munispyo ay nahihirapan sa paga-update ng Registrar. Kung ang isang imigrante ay magdesisyong lumipat ng ibang bansa, bihirang ipinaaalam ito sa Munisipyo, at hindi ito natatanggal sa sistema hanggang sa panibagong census at samakatwid ay nananatiling residente kahit pa matagal ng nilisan ang Italya.
Paano kung sa halip na sa ibang bansa ay sa ibang munisipyo lumipat?
“May programa ang sistema sa ganitong mga sitwasyon, na tumutukoy sa kanilang presensya, na dumarating sa aming tanggpan sa pamamgitan ng listahan ng mga permit to stay o mula sa revenue office. Sa malalaking munisipyo, batay sa lumabas na address ay aming ipinadala ang mga collectors kung saan walang dumating na mga questionnaires. Ito ay nagpahintulot sa aming ma-survey ang karagdagang 170,000 migrants na kasalukuyang naninirahan kahit pa hindi mga rehistrado sa Registrar.
Ano ang kasiguraduhan na ang lahat ng mga imigrante ay talagang natanggap at nasagutan ang questionnaire?
“Sa ngayon ay ginawa namin ang isang pagsisiyasat ng may kalidad. Ito ay isang traditional census, sa ilang parte naman ay isang sample upang makita kung sinu sino na nakabilang sa census at sino ang dapat i-census pa. Ito ay magpapakita ng mga pagkakamali”.
Samakatwid hanggang sa katapusan ng karagdagang pagsisiyasat na ito, ay hindi pa rin malalaman kung ilan talaga ang mga regular na imigrante?
“Dapat naming hintaying matapos ang pagsusuri. Ang inaasahan namin na ang karamihan sa mga imigrante ay hindi lumipat sa ibang bansa kundi ang pag-uwi sa sariling bansa o ang pananatili sa Italya ngunit nawalan ng mga permit to stay at hindi na sila bahagi ng popolasyon”.
Ano ang naging sagot ng mga imigrante?
“Iba-iba ang feedback na aming natanggap at dahil dito ay hindi kami makakuha ng conclusion.Nakatanggap kami ng kolaborasyon sa karamihan, lalo na ng ipaalam na ang hindi pagsagot sa questionnaire ay may angkop na parusa. Nakatanggap kami ng maraming mga katanungan, lalo na sa Roma kung saan kumalat ang balita na ang hindi sasagot sa questionnaire ay maaaring makulong”.
Ano ang mga panganib na haharapin ng 800,000 na nawawalang mga imigrante?
“Bawat munisipalidad ay magsusuri upang makita kung sila ay naninirahan pa rin dito, pagkatapos kung talagang hindi sila matatagpuan, tatanggalin na sila mula sa listahan”.
Kung sila ay lumipat lamang sa ibang bayan, at kinansela mula sa registry, magigig hadlang ba ito sa muli nilang pagpapatala sa bagong munisipyo?
“Hindi. Dahil hindi sila nakabilang sa census sa unang munisipyo, sila ay iimbitahan upang magpatala. Sa ganitong mga kaso ay kakailanganin ang mga pagsusuri.
Ano ang mga unang resulta ng census ng mga imigrante?
“Kumpara noong 2001, ang mga imigrante ay halos na-triple ang bilang, pati na rin ang epekto sa populasyon, tumaas mula sa 2.3 sa 6.3% at ang kanilang presensya sa buong teritoryal, two-thirds sa North ay kumpirmado. Mayroong mga makabuluhang mga presensya sa ilang munisipalidad, mula 16% ng mga rehistradong imigrante sa Brescia sa 36% sa Rocca de ‘Giorgi, sa lalawigan ng Pavia. Tiyak, na eksklusibong dahil sa mga imigrante ay lumago ang populasyon sa Italya sa huling sampung taon”.