in

Corona, hindi na aapela sa Korte Suprema

Hindi na aapela pa ang dating Chief Justice Renato Corona kaugnay sa naging desis­yon ng Senate impeachment court.

altRome, Hunyo 1, 2012 – Ayon kay defense spokesperson Atty. Tranquil Salvador, ay hindi na aapela pa ang dating Supreme Court (SC)  Chief Justice Renato Corona sa Korte Suprema sa naging guilty verdict sa kanya ng Senate Impeachment Court.

Handa na diumanong tanggapin ni Corona at respituhin ang naging desisyon ng mga senator-judges sa charges ng betrayal of public trust sa hindi totoong deklarasyon ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ayon sa mga report, sinabi diumano ni Corona, sa pag-uusap nila ni Salvador na sapat na kanyang mga sinabi at ang kanyang naging transparency.

Isang bagay naman na ikinagalak at nagpahanga kina Escudero, Trillanes, Pimentel, Cayetano at Pangilinan, na kabilang sa 20 bumoto ng guilty sa kaso ni Corona.

Samantala, sa Linggo diumano ay maaari ng makalabas ng The Medical City ang dating chief justice. Kasakukuyan umanong nagpapahinga ito at mino-monitor ang kalusugan.

Binabantayan po kasi sa kanya ay ang kanyang puso dahil medyo mahina po [dahil] sa negative publicity na natanggap niya. Siguro in a few days makakalabas na po,” ayon pa kay Salvador..

Martes noong nakaraang linggo ng isugod sa ospital si Corona dahil sa hypoglycemia, na ayon sa mga duktor ay maaaring magig sanhi ng atake sa puso.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang taong permit to stay sa mga nawalan ng trabaho, aprubado sa Senado

Transportasyon sa VII World Meeting of Families