Validity ng mga permit to stay ay dinoble upang maiwasan na ang mga nawalan ng hanapbuhay ay maging irregular o undocumented. Inaprubahan ng Senado ang reporma ng pamahalaan, ngayon ang teksto sa Chamber of Deputies.
Roma – Mayo 31, 2012 – Higit na panahon para sa mga imigrante na naghahanap ng panibagong trabaho. Isang tila lifesaver para sa mga nanganganib ang sitwasyon sa permit to stay, dahil sa krisis ay nawalan ng trabaho at maaaring maging undocumented gawa ng namimiligrong permit to stay.
Kagabi hanggang kaninang umaga, ang pamahalaan muli ay ibinigay ang tiwala sa Senado sa apat na malalaking susog sa reporma sa labor market. Ang teksto, bukod sa mga maliit na paglilinis, ay inaprubahan ng Labor Commission ng Senado, kabilang ang isang artikulo na partikular na nakatuon sa mga dayuhang manggagawa.
Ito ay nagsasaad na ang mga nawalan ng trabaho ay maaaring manatiling nakatala sa liste di collocamento, at samakatwid ay maaaring magkaroon ng permit to stay sa paghahanap ng trabaho ng isang taon (sa kasalukuyan ay anim na buwan lamang) at makatanggap sa panahong ito ng kaukulang tulong tulad ng ‘cassa integrazione’. Matapos ang panahong ito, ay mananatili lamang sa Italya ang sinumang mapapatunayang mayroong sapat na kita upang matugunan ang mga pangangailangan at pamumuhay sa Italya. Sa kalkulasyon ng nasabing ‘kita’ ay maaaring isama o idagdag ang kita ng mga miyembro ng pamilyang kapisan.
Matapos ang vote of confidence, ang Senado sa hapon ay magpapatuloy sa aprubasyon ng ddl o disegno di legge. Pagkatapos ang teksto ay malilipat sa Chamber of Deputies.
Narito ang teksto na inaprubahan ng Senado:
“All’articolo 22, comma 11, secondo periodo, del testo unico delle disposizioni concernenti la disciplina dell’immigrazione e norme sulla condizione dello straniero, di cui al decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286, le parole «per un periodo non inferiore a sei mesi» sono sostituite dalle seguenti: «per un periodo non inferiore ad un anno ovvero per tutto il periodo di durata della prestazione di sostegno al reddito percepita dal lavoratore straniero, qualora superiore. Decorso il termine di cui al secondo periodo, trovano applicazione i requisiti reddituali di cui all’articolo 29, comma 3, lettera b)”