in

Manny Pacquiao vs Timothy Bradley, tatlong araw na lang

Rome, June 8, 2012 – Ginanap ang final conference kahapon sa Hollywood Theater, tatlong araw bago ang pinakahihintay na laban ng undefeated American fighter Tim Bradley at ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

altTila handang handa na at malakas ang loob na mananalo si Bradley sa pakikipagtunggali nito sa pinakamalaking upset sa Sabado ng gabi sa MGM Grand Garden Arena.

Si Bradley ay wala pang talo sa 28 laban, ngunit wala pa siyang nakakalabang tulad ni Pacquiao.

$5 million ang siguradong ibubulsa ni Bradley sa laban, pero siguradong lalaki ito sakaling ma-upset ang Filipino boxer/politician.

“I waited for this moment my whole life,” anang 28-anyos na si Bradley. “I’m ready to shock the world!”, ayon kay Bradley. Tatapusin din diumano ni Bradley ang trabahong iniwan ni Juan Manuel Marquez noong Nobyembre.

Sa kabila ng mga pananalita ni Bradley ay nananatiling tahimik si Manny tulad sa mga nakakaraang laban.

“Basta pinaghandaan kong mabuti ang labang ito,” ang tanging sagot ni Pacquiao sa mga binitawang salita ng kalaban.

Away magbitaw ng anumang pangako ang congressman, ngunit malaki ang kanyang tiwala sa sarili sa naging paghahanda at naniniwala rin sya na siya’y sasamahan ng Diyos sa kanyang laban. Ito ang dahilan kung bakit wala diumanong dahilan na dapat ikabahala .

Sa Top Rank gym nagtuloy sa Manny upang mag-ensayo at matapos mamahinga ng dalawang oras sa The Hotel ay nakiisa sa prayer meeting na ginanap sa silid nito.

Samantala, may ilang pagbabago sa programa ni Pacquiao kaugnay ng laban nito sa June 9. Tiniyak ng Pambansang Kamao na magkakaroon siya at ang Team Pacquiao ng Bible study bago at pagkatapos ng laban niya kay Bradley.

Magkakaroon rin ng after-fight concert pero mga Christian song ang aawitin ni Pacquiao.

Tinanggihan naman ng mga member ng Team Pacquiao na gimmick lamang ang biglang pagbabago at pagiging malapit sa Diyos ni Pacquiao. Pinatunayan nila na natagpuan ni Pacquiao ang inner happiness dahil sa pagbabasa ng Holy Bible.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Blue card, ganap ng aprubado

PHL Embassy Rome, closed June 12, 29