Giselle Sanchez at Enchong Dee – pinagkaguluhan!
Palermo, Hunyo 18, 2012 – Apat na okasyon sa isang araw na pagdiriwang. Santacruzan, Independence Day, TFCkat Talent Contest at TFC Kapamilya Caravan with special guests Giselle Sanchez at Enchong Dee.
Ito ang kabuuan ng matagumpay na Fiesta sa Palermo na ginanap noong ika 10 ng June, 2012 sa Astoria Palace Hotel sa Palermo, na isinagawa sa pinagsamang puwersa ng Philippine Don Bosco Association sa pangunguna ng presidente nito na si Mr. Rey Lagutan at ang event coordinator na si G. Relida Gomintong, ang Filipino Association of Talents in Europe sa pangunguna ng bise presidente nito na si Mrs. Venus Rabang at ang TFC – The Filipino Channel sa pangunguna ni G. Enrico Chua, ang Italy Territory Sales Head .
Hindi inaasahang dadaluhan ito ng mahigit kumulang dalawang libong tao hindi lamang mula sa Palermo kundi sa iba’t ibang siyudad ng Italya at ng iba’t ibang communities tulad ng Filipino Association of Catania sa pangunguna ni Ms. Rosabelle Glinogo – auditor, Filipino Community of Arezzo sa pangunguna nina Mrs. Venus Rabang – president at Mr. Renato Yape – Vice President, Unified Filipino Workers of Reggio Calabria sa pangunguna nina Mrs. Celestial Madula – president at Ruby Madrigal – officer, Filipino Community of Giarre (Catania) sa pangunguna ng mga community leaders na sina Orly Sebastian at Mrs. Marygrace dela Cruz, Filipino Community of Messina, Filcom of Caltanisetta, Reggio Calabria Consulate na inirepresenta ni Miss Caterina Marciano, at mga ilan mula sa Parma, Montecatini, Pisa, at Rome.
Ang pista ay sinimulan ng isang magarbong parada na pinangunahan ng opisyales ng host associations at ng Group of Mama Mary ng Palermo na may dala- dalang bandila, sinundan ng mga batang infantile prince at princesses at mga nag-gagandahang mga sagala kung saan naging Reyna Elena si Bb. Sara Angela Gele, isa sa mga nagwaging Bb. Pilipinas Italy 2011. Pagkatapos nito ay umawit ang lahat ng Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa ika-114 na anibersaryo ng kalayaan ng bansang Pilipinas.
Isa sa mga inabangan sa programa ay ang TFCkat South Italy Finals kung saan ipinirisinta ni Mr. Armand Curameng ang labing limang magagaling na talentadong Pinoy ang naglaban laban. Sila ay sina Alex Lumboy, Megan Rae Hilado, Rosebeth Barlaan, Daryl Guinto, Rock in Progress, Jericho Hilado, Malicxiozo Rappers, Gema Ancheta, Maria Donalyn Eugenio, Lotis Villafranca, Melody Gambalan, Chrystal Ann Martin, Giusy Pappalardo, KMNA Dancers at si Edward Garcia. Nabigyan ang lahat ng tropeo bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon bukod sa napanalunan ng mga sumusunod: Facebook Stars sina Maria Dionalyn Eugenio at KMNA Dancers, Most Liked Videos sina Alex Lumboy at Gema Ancheta, Showdown Stars sina Megan Rae Hilado at Malicxiozo Rappers at Peoples’ Choice naman sina maria Donalyn Eugenio, Alex Lumboy at Chrystal ann Martin. Pumasok sa First Five sina Rock in Progress at Edward Garcia samantalang nanalo naman bilang third si Megan Rae Hilado, second ang KMNA Dancers at first ang Malicxiozo Rappers. Ang first three ang magra-rapresenta sa South Italy para sa TFCkat Italy Grand Finals.
Halos isang oras at kalahati lamang ang naging lunchbreak at itinuloy kaagad ang programa. Ang pangalawang parte, kung saan katuwang na ni G. Curameng si Ms. Roselle Sazon – ang Europe’s Marketing Manager ng TFC sa pagiging emcee, ay isinagawa ang TFCkat Italy Grand Finals. Pitong magagaling na Pinoy talents mula sa iba’t ibang siyudad ng Italy ang naglaban laban para maging representative ng Italy sa TFCKAT EUROPEAN Grand Finals na gaganapin sa Nice, France sa September ng taon ding ito. Sila ay sina Aileen Fernandez ng Parma, Camille Cabaltera ng Firenze-Montecatini, Justin Salazar ng Pisa, Lee jay Ramirez ng Roma at ang tatlong nanalo sa South Italy.
Nahirapan ang mga hurado na kinabibilangan nina Miss Erika Militello, Mrs. Rachel Ruiz Genco, Mr. Eric Chua at ang chairman na si Mr. Luis Bariuan -TFC Regional Head and Distribution Head for Europe sa pagpili ngunit nagkaisa sila sa iisang desisyon na ang maging Grand Champion ay si Aileen Fernandez. Pumangalawa si Megan Rae Hilado ng Palermo at pumangatlo si Lee jay Ramirez. Nabigyan din ng trophy ang bawat kalahok at ang grand champion ay bukod sa kanyang pagra-rapresenta sa Italy sa France ay nanalo din ito ng Two Thousand Euro cash prize na bigay ng TFC at ang mga sponsors nito tulad ng Western Union. Ang mananalo sa France ay magiging representative ng TFC Europe sa Pilipinas Got Talent.
Napuno ng halakhakan ang auditorium nang lumabas na sa entablado ang magaling na komedyante na si Giselle Sanchez. Pangalawang pagkakataon nang pumunta sa South Italy ni Giselle ngunit hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa kanyang mga kanta at pakwela. Hindi na mapigilan ang saya, gigil at tilian ang mga tao ng tawagin na si Enchong Dee. Lahat ay nakikanta at nakisayaw sa kanya. Halos lahat ng mga kabataan ay gustong makadaopang palad ang artista. Nakuntento naman ang karamihan nang tinanggap nina Giselle at Enchong ang mga tao para mabati ang mga ito at maka-picture taking sila.
“Kami’y nagagalak at sa unang pagkakataon ay nangyari ang ganito kalaking programa sa Palermo. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang dadalo, kaya kami’y nagpapasalamat sa lahat ng dumating. Napapasalamat din kami kay Mr. Armand Curameng upang maisakatuparan ang programang ito. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga sponsors at mga staff sa kanilang mga tulong lalo na ang TFC sa pagbibigay nila ng pagkakataon na makapiling ang mga artista ng ating mga kababayan sa Palermo,” pagwawakas ni Gng. Relida Gomintong ang event coordinator.
(ni: Shella Mendoza, at Armand Curameng)