in

Permit to stay ng isang taon sa mga nawalan ng trabaho. Ipatutupad simula July 18

Inilathala sa Official Gazzette ang reporma sa trabaho. Ang pagpapatupad nito ay magbibigay ng higit na proteksyon sa mga nawalan ng trabaho at nanganganib na mawala ang karapatan ng pananatili sa bansa.

Roma – Hulyo 4, 2012 – Narito na ang magsasalba sa marami. Ang mga imigrante na nawalan ng trabaho ay magkaroon sa lalong madaling panahon ng karagdagang panahon upang makahanap ng panibago bago tuluyang mawalan ang karapatan upang manatili sa Italya.

Kahapon ay ganap ng inilathala sa Official Gazette at ipapatupad simula sa July 18 ang “Disposizioni in materia di riforma del mercato del lavoro in una prospettiva di crescita” (Legge 92/2012),  gobyerno ang may akda at inaprubahan  ng may ilang mga susog ng Parliyamento. Bukod dito, ay babaguhin ang batas sa imigrasyon (TU) upang bigyang higit na proteksyon ang mga nawalan ng trabaho, tulad ng hinihingi ng mga unyon at asosasyon dahil na rin sa kasalukuyang krisis.

Ang sinumang nawalan ng trabaho, dahil sa pagbibitiw o sa pagkakatanggal sa trabaho, ay maaaring manatiling nakatala bilang walang hanapbuhay, at samakatuwid ay maaaring magkaroon ng permit to stay per attesa occupazione ng isang taon (kasalukuyang anim na buwan lamang) at sa panahong nabanggit ay maaaring makatanggap ng mga social safety valves tulad ng cassa integrazione. Matapos ang isang taon, ay maaaring manatili lamang sa Italya ang sinumang makapaghahayag ng mayroong sapat na sahod upang manatili, isang kalkolasyon kung saan maaaring isama maging ang sahod ng mga miyembro ng pamilyang kapisan.

LEGGE 28 giugno 2012, n. 92
Disposizioni in materia di riforma del mercato del lavoro in una prospettiva di crescita
Articolo 4, comma 30
All'articolo 22, comma 11, secondo periodo, del testo unico delle disposizioni concernenti la disciplina dell'immigrazione e norme sulla condizione dello straniero, di cui al decreto legislativo 25 luglio 1998, n. 286, le parole: «per un periodo non inferiore a sei mesi» sono sostituite dalle seguenti: «per un periodo non inferiore ad un anno ovvero per tutto il periodo di durata della prestazione di sostegno al reddito percepita dal lavoratore straniero, qualora superiore. Decorso il termine di cui al secondo periodo, trovano applicazione i requisiti reddituali di cui all'articolo 29, comma 3, lettera b)».

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mag-impok at Magkabahay sa bagong Pag-IBIG Fund

CGIL: Regularization sa mga irregulars