in

Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ng tourist visa patungong Italya?

Rome, Agosto 1, 2012 – Ang tourist visa ay nagpapahintulot sa pagpasok, para sa isang maikling panahon, sa Italya at sa iba pang mga bansa ng Schengen, sa mga dayuhan na nagnanais na magbakasyon o magbiyahe bilang turista sa 90 araw.

Narito ang mga requirements:

Visa application form

– Recent passport photo

– passport or travel document valid for at least three months after visa expiry date

– Sapat na financial support tulad ng bank accounts, bank (fidejussione bancaria) or insurance guarantee (polizza fidejussion) atbp. as per Ministry of Interior Directive 1.3.2000.

 

Panahon ng pananatili

Para sa isang tao

Para sa 2 o higit pang katao

mula 1 hanggang 5 araw

€ 269,60

€ 212,81 complessivi

mula 6 hanggang 10 giorni

€ 44,93 kada araw

€ 26,33 kada araw

mula 11 hanggang 20 giorni

€ 51,64 fix amount + € 25,82 kada araw

€ 36,67 fix amount + € 22,21 kada araw

Higit sa 20 giorni – hanggang 90 giorni

€ 206,58 fix amount + € 118,79 kada araw

€ 27,89 fix amount + € 17,04 kada araw

Ang bank o insurance guarantee ay inihahayag ng nag-imbita, kung ang aplikante ay walang sapat na mapagkukunang pinansyal, upang sagutin ang anumang pangangailangan ng inimbitahan.

– back and forth plane ticket reservations

– ang proof of lodging  (tourist vouchers, hotel reservations, offer of hospitality), anumang declaration of invitation mula sa isang Italyano o legal na residenteng dayuhan ay dapat na nagpapatunay ng availability ng tutuluyan at nagsasaad ng hospitality sa Italya para sa aplikante.

– documentation of socio-professional standing

– health insurance policy with a minimum coverage of €30,000 for emergency hospital and repatriation expenses

Ang application ay dapat na isinumite ng aplikante ng personal sa Embahada ng Italya sa Pilipinas na matatagpuan sa: 6th Floor, Zeta Condominium, 191 Salcedo Street, Legaspi Village, Makati City, Metro Manila
Tel.: 006328924531
Fax: 006328171436
Website: www.ambmanila.esteri.it
E-mail: visti.manila@esteri.it

Ang tourist visa ay hindi maaaring gamitin upang magtrabaho. Mahalagang tandaan na simula noong Mayo 2007 ay hindi na kailangang mag-aplay ng permit to stay para sa mga turista, ngunit nananatiling dapat ipagbigay alam sa Questura ang pagpasok ng bansang Italya sa loob ng 8 araw.

Ang sinumang mayroong permit to stay para sa turismo ay maaaring hilingin ang conversion nito sa self-employment, sa ilalim lamang ng decreto flussi.

Ang pagkakaloob ng mga entry visa para sa turismo, sa katunayan, ay malaki ang ipinagbago at naging mas malupit sa pagpapatupad ng Bossi-Fini law, kung saan nasasaad na ang pagtanggi sa pagbibigay ng permit to stay for tourism ay hindi saklaw ng karampatang Embahada/Konsulado.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Walo na ang namatay ng mapinsalang Bagyong Gener

Yaki Udon with shrimps recipe