in

Mga Ofws sa Roma, nag-alay ng panalangin

Mga dilaw na lobo ang sumalubong sa mga nakiramay, nagdalamhati at nag-alay ng panalangin sa ginanap na banal na misa noong linggo, Agosto 26 sa Sta. Pudenziana, Via Urbana – Roma. Ito ay alay sa naganap na massacre sa St. Francis Village, Barangay Borol 2nd, Balagtas, Bulacan noong nakaraang Agosto 16, kung saan walang-awang pinaslang ang pamilya ni Romulo Sta. Ana,  isang ofw mula sa Montecatini Toscana.

Pinaslang sina Rodrigo Roque, 77, isang rice dealer, ang anak nitong si Cristina Sta. Ana, 42 at ang dalawang anak na sina Christian, 10 taong gulang at Corine Joy, 12 anyos.

Sa pangunguna ni Fr. Romeo Velos, sa pakikipagtulungan ng mga Consiglieri Aggiunti at ng ilang Filipino leaders ay nagkaisa sa panalanging mabigyan ng katarungan ang naganap na ‘Bulacan massacre’, gayun din para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga pinaslang.

“Katarungan at hustisya ang hiling natin para sa sinapit ng mga biktima ng karahasan. Ang lobong dilaw ay simbolo n gating pagdadalamhati”, mga pangungusap ni Padre Velos, ang Chaplain sa Roma sa kanyang homiliya.

Nakiisa rin sa panalangin si Ambassador Mercedes Tuason ng Philippine Embassy to the Holy See.

Naging aktibo naman sa pagsuporta ang lahat ng bumubuo ng UGRI o Unified Guardians Rome Italy; ang GPII Anti Crime Italy, GSSI King Fisher, GBIL Matatag, GSSI Tiger, PDGII, GPII – ILC, DGPII, UGBII.

Samantala, ayon sa naunang imbestigasyon ng Balagtas Police, lumalabas na liyabe, tubo, screw driver at kitchen knife ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima dahil pagnanakaw diumano ang motibo ng malagim na pamamaslang.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Ilang karagdagang impormasyon

Filipinos in Milan favor RH bill