in

Regular colf, care givers at baby sitters tumaas ng 740,000

Ang mga domestic workers na nakatala sa INPS ay tumaas ng 8.37% sa unang anim na buwan ng taon. Mas kakaunti ang mga Italians. Ang record? Labintatlong trabaho sa 1 manggagawa.

Roma – Setyembre 4, 2012 – Tinatamaan ng kasalukuyang krisis ang mga pamilya, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang hindi kumuha ng colf, baby sitter at care giver.

Ito ay pinatunayan ng INPS, na sa pamamagitan ng knaialng data base ay matatagpuang tumaas mula sa 681.000 ng 2011 sa 738,000 ngayong July 2012, isang pagtaas ng 8,7%.  Ito ang bilang ng mga regular workers sa sector na kilala sa maraming mga irregular workers.

Ang karamihan ay ang mga banyagang manggagawa, 420,628 ay mga non-EU nationals at 180,258 naman ang mga EU nationals, ang mga Italians ay 137,653 lamang.

Nangunguna sa listahan ng mga imigrante ang mga Romaniaa (145,767), Ucranians (86,948), mga Pilipino (66,893), Moldovan (49,593) at Peruvian (29,997).

Ang karamihan sa mga manggagawa (651,718) ay may iisang trabaho o employer lamang , habang ang 59,043 mga manggagawa ay may 2 trabaho at  16,476 ang mayroong 3 trabaho. Ang record, gayunpaman, ay ang pagkakaroon ng labintatlong trabaho kada worker at kung sila ay kikilatisin, ayon sa INPS, ay tatlong workaholic lamang mayroon sa buong Italya.

Ang karamihan ng mga employer ay pawang mga Italyano (768,356) ngunit mayroon ding 9129 mga European employer at 37,768 naman ang mga employer na non-EU nationals. Ang mga pangunahing bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga employer ay ang China (3393), Morocco (3154), France (2240), India (1929) at Switzerland (1692).

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maswerteng Pinoy, dalawang beses nanalo sa Gratta e vinci

Regularization: Ang form at ang instruction sa pagbabayad