in

Cagliari – Magkakaroon ng Consulta degli stranieri

Magpapahiwatig ng mga opinyon at gagawa ng mga panukalang ilalatag sa Munisipyo. Ang paghahayag ng kandidatura  hanggang  Oktubre 15. Pinaka malaking komunidad, ang mga Pilipino.

Roma – Setyembre 4, 2012 – Kahit sa Cagliari ay magkakaroon ng kinatawan ang mga imigrante, na maaaring maging kanilang tinig sa mga desisyon ng Munisipalidad.

Ang Consulta dei cittadini stranieri e apolidi ay itinatag kamakailan sa pamamagitan ng isang deliberasyon at mabubuo sa pamamagitan ng isang halalan na magaganap sa darating na Nov. 15. Ito ay binubuo ng 15 miyembro na mananatili sa posisyon sa loob ng tatlong taon. Anim nito ay ang unang mayroong pinakamaraming boto, regardless ng bansang pinagmulan, samantala ang natitirang 9 ay ipagkakaloob upang matiyak ang pagkakaroon ng rapresentasyon ng lahat ng kontinente.

Tulad ng iba pang mga organismo sa ibang mga munisipyo, ang Consulta ay gagawa ng mga panukala ng konsultasyon sa administrasyon at maghahayag rin ng opinyon. "Isang mahalagang layunin," ayon kay Assessor sa General Affairs at Vice Mayor na si Paola Piras, sabi pa nito ang organismo ay "magiging isang pangunahing instrumento upang magkaroon ng patas na dialogo sa mga mamamayang hanggang sa kasalukuyan ay hindi nagkaroon ng pagkakataong maging bahagi sa mga solusyon sa mga problema ukol sa relihiyon, intolerance maging ang ukol sa pamumuhay bilang mamamayan”.

Sa Anagrafe ng lungsod ng Cagliari ay nakatala ang higit sa 6000 mga imigrante, ang pinakamalaking komunidad ay ang mag Pilipino, sumunod ang Ukrainian at mga Chinese. Ang paghahayag ng kandidatura ay hanggang sa Oct 15. Ang instruction at mga form ay matatagpuan sa website ng Munisipyo. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regolarizzazione. Il modulo e le istruzioni per il versamento

Mamahaling bag na naglalaman ng P 2.4 milyon, isinauli ng janitor