in

US Ambassador, pinaslang

Roma, Setyembre 13, 2012 – Namatay ang ambasador ng Amerika na nakatalaga sa Libya at tatlong staff nito dahil sa naging na pag-atake sa tanggapan ng US consulate sa Benghazi sa Libya.

Ayon sa Libyan officials nitong Miyerkules, dahil diumano sa pelikula ng isang US- based Israeli filmmaker na kumutya at ginawang katawa- tawa si Prophet Muhammad ng relihiyong Islam, ang sinasabing dahilan ng pagsalakay ng mga galit na protester sa Konsulado ng Amerika.

Napatay si Ambassador J. Christopher Stevens nitong Martes ng gabi, Setyembre 11, habang lumilikas kasama ang mga emple­yado ng embahada matapos pagbabarilin at hagisan ng rocket-propelled grenades ang Konsulado.

Ang mga kaganapan ay kasabay din ng mga protesta sa Egypt. Ang mga nagprotesta ay inakyat ang pader ng US Embassy sa Cairo at sinira  ang watawat ng Amerika at  pinalitan ng kulay itim na Islamic banner.

Mabilis namang kinondena ni US President Barack Obama ang mga karahasan.

"I strongly condemn the outrageous attack on our diplomatic facility in Benghazi, which took the lives of four Americans, including Ambassador Chris Stevens," pahayag ni Obama sa isang pèanayam ng CNN.

"Chris was a courageous and exemplary representative of the United States," dagdag ni Obama.

Video

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kutsero, nagsauli ng wallet sa turistang pasahero

Illegal possession of fire arms, 1 Pinoy kabilang sa 6 na inaresto