Ang Circular n. 113 ng 14 Setyembre 2012, ang INPS ay naglabas ng mga tagubilin para sa mga employer at mga kumpanya ukol sa pagbabayad ng kontribusyon, gayun din ukol sa ‘provisory hiring’ matapos ipadala online ang aplikasyon.
Setyembre 17, 2012 – Lumabas na rin pati ang pinakahihintay na paglilinaw mula sa tanggapan ng Inps ukol sa mga bagay na dapat gawin matapos ipadala online ang aplikasyon.
Ang mga employer ng domestic jobs, sa sandaling maipadala ang form EM-DOM, ay walang dapat gawin kundi ang maghintay sa mga bollettini – MAV upang bayaran ang kontribusyon (ng nakalipas na buwan) para sa mga buwan ng Mayo 2012 hanggang Oktubre 2012.
Ang INPS, sa katunayan, ay gagawin ang report at magbibigay ng isang provisory code ng hiring at ng fiscal code (codice fiscale) sa worker (kung ang worker ay wala pa nito) at isasaalang-alang ang mga kundisyon na isinulat sa ipinadalang aplikasyon online (angtas, trabaho, oras ng trabaho, atbp.). Ang halaga ng sahod, gayunpaman, ay kakalkulahin ayon sa financial condition na tinataglay sa aplikasyon at kung mas mababa ito kaysa sa assegno sociale, ay awtomatikong mapapalitan ng 429,00 (kasalukuyang halaga ng assegno sociale). Ang mga employer ng domestic jobs, sa puntong ito, ay maaari ng ipahayag ang eksaktong petsa ng simula ng trabaho, kung nagsimula ito bago ang May 9, at kailangang bayaran ang lahat ng kontribusyon para sa panahong idineklara.
Ang mga kumpanya, gayunpaman, sa sandaling ipadala online ang form EM-SUB, ay kailangang mag-request ng pagbubukas ng angkop na posisyon na magkakaroon ng code na ‘5W’. Sa pagtanggap nito ay kailangang ipadala ang Uniemens/Dmag at samakatwid ay dapat bayaran ang mga kontribusyon.
Malinaw na bago sumapit ang araw ng convocazione o appointment sa Immigration Office (Sportello Unico) sa pag-pirma ng contratto di soggiorno, ang mga employer ng domestic jobs at mga subordinate jobs (non-domestic) ay kailangang bayaran ang mga kontribusyon para sa panahong nabanggit tulad ng isinasaad ng batas.